Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Safety Seat sa Sasakyan (Pambata)

Mga posisyon ng upuan sa sasakyan

Kadalasang maiiwasan ang mga pinsala sa mga bata sa paggamit ng tamang upuan sa sasakyan sa panahon ng mga aksidente sa sasakyan. Habang lumalaki ang mga bata, magbabago ang uri ng upuan sa sasakyan na kailangan nila. May mga alituntunin ang American Academy of Pediatrics at ang National Highway Traffic Safety Administration (NHTSA) upang tulungan kang mahanap ang tamang upuan sa sasakyan para sa iyong anak. Tingnan din ang manwal ng may-ari ng upuan sa sasakyan.

Alinman sa patalikod o paharap ang mga upuan sa sasakyan. Bilang patakaran, dapat humarap sa likod ng sasakyan ang mga bata hangga't maaari. Ito ang pinakaligtas na posisyon para sa isang bata sa isang aksidente. Gamitin ang mga rekomendasyong ito:

Edad

Ano ang gagamitin

Pagkapanganak hanggang 1 taong gulang

Laging gumamit ng isang patalikod na upuan sa sasakyan na nakakabit sa upuan sa likod.

1 hanggang 3 taong gulang

Dapat sumakay ang mga sanggol at paslit sa upuan sa likod sa isang patalikod na safety seat sa sasakyan hangga't maaari. Ibig sabihin, hanggang sa maabot nila ang pinakamataas na timbang at taas na pinapayagan sa kanilang upuan. Tingnan ang mga tagubilin para sa iyong safety seat. Mayroong mga limit sa taas at timbang ang karamihan sa mga convertible safety seat na nagpapahintulot sa iyong mga anak para sumakay nang nakaharap sa likuran para sa 2 taon o higit pa.

4 hanggang 7 taong gulang

Gumamit ng isang paharap na upuan sa sasakyan na may harness at tali hanggang maabot ng iyong anak ang pinakamataas na tangkad o limitasyon sa timbang na pinahihintulutan ng gumawa ng upuan sa sasakyan. Kapag nakalakhan na nila ang paharap na upuan sa sasakyan na may harness, magpalit ng booster seat. Dapat pa rin itong nasa upuan sa likod.

8 hanggang 12 taong gulang

Gumamit ng isang booster seat hanggang sa sapat na ang laki ng iyong anak upang magkasya sa isang seat belt. Para magkasya ang seat belt, dapat mahigpit ang lap belt sa mga itaas na hita, hindi sa sikmura. Dapat lumapat nang mahigpit ang shoulder belt sa balikat at dibdib at hindi daanan ang leeg o mukha. Tandaan: Dapat pa ring sumakay ang iyong anak sa upuan sa likod dahil mas ligtas ito.

Patalikod. Dapat sumakay ang mga sanggol at paslit sa mga patalikod na upuan sa sasakyan hangga't maaari. Ibig sabihin, hanggang sa maabot nila ang pinakamataas na timbang at taas na pinapayagan sa kanilang upuan. 

Sanggol sa car seat na patalikod.

  • Mayroong 2 uri ng mga upuang patalikod: pansanggol lamang at napapalitan. Dapat patalikod ang mga upuang pansanggol lamang. Maaaring gamitin patalikod ang isang upuang napapalitan. Ngunit maaari din itong gawing paharap kapag naabot ng bata ang taas at timbang na itinakda ng gumawa ng upuan sa sasakyan. Mayroong mga limit sa taas at timbang ang karamihan sa mga convertible safety seat na nagpapahintulot sa iyong mga anak para sumakay nang nakaharap sa likuran para sa 2 taon o higit pa.

  • Dapat na ihiga ang mga upuang ito ayon sa mga tagubilin ng gumawa ng upuan sa sasakyan. Iniiwasan nitong sumalampak paharap ang ulo ng iyong sanggol.

  • Dapat pumasok ang harness sa mga butas para sa upuan sa sasakyang nasa balikat ng bata o sa ibaba nito. Palaging sundin ang mga tagubilin ng gumawa ng upuan sa sasakyan para sa wastong pagkakalagay ng harness.

Paharap. Dapat magpalit sa isang paharap na upuang may harness ang mga batang nakalakhan ang limitasyon sa timbang o taas ng upuang patalikod. Dapat silang manatili sa upuang ito hanggang maabot ang pinakamataas na timbang o taas na pinahihintulutan ng upuan sa sasakyan.

  • Maraming uri ng mga upuan ang maaaring gamitin paharap. Kabilang dito ang mga built-in na upuan, mga pinagsamang paharap/booster seat, at mga travel vest.

  • Dapat pumasok ang harness sa mga butas para sa upuan sa sasakyang nasa balikat ng bata o itaas nito. Palaging sundin ang mga tagubilin ng gumawa ng upuan sa sasakyan para sa wastong pagkakalagay ng harness.

Pagpili ng upuan sa sasakyan

  • Ang pinakamahusay na upuan para sa iyong anak ay ang angkop sa timbang at taas ng iyong anak. Dapat din itong magkasya sa iyong sasakyan. Huwag tumingin sa presyo lamang.

  • Subukan ang upuan. Ilagay dito ang iyong anak at ayusin ang mga harness at buckle. Tingnan na tugma ito sa iyong anak at sa iyong sasakyan.

  • Alinmang upuan sa sasakyan ang bilhin mo, suriin na ito ang magagamit mo palagi nang wasto.

  • Bumili lamang ng gamit nang upuan sa sasakyan kung alam mo ang kasaysayan sa aksidente at petsa ng pag-expire nito. Ibig sabihin nito na hindi ka bibili ng isang upuan mula sa isang thrift store o online. Kung nasangkot sa isang aksidente o lampas na sa petsa ng pag-expire ang upuan sa sasakyan, huwag itong gamitin. 

  • Kung wala ka ng mga tagubilin ng tagagawa, makipag-ugnayan sa departamento ng serbisyo ng kompanya. Gugustuhin nilang malaman ang numero ng modelo ng upuan sa sasakyan, ang pangalan ng upuan, at ang petsa nang ginawa ito.

  • Sundin ang mga tagubilin sa pagkakabit ng upuan sa sasakyan sa manwal ng may-ari ng sasakyan ng iyong kotse

  • Tingnan na gumagamit ng wastong upuan sa sasakyan o seat belt ng sasakyan ang lahat ng nagmamaneho para sa iyong anak. Kailangang mangyari ito palagi kada byahe. Bahagi ng mabuting pagiging magulang ang hindi pagiging pabago-bago. Pinakaligtas ito para sa iyong anak at binabawasan ang mga reklamo ng mga bata.

Pagkakabit at paggamit ng upuan sa sasakyan

  • Suriin na hindi gumagalaw ang upuan nang higit sa 1 pulgada sa magkabilang gilid kung saan pumapasok ang seat belt sa upuan sa sasakyan (ang daanan ng belt).

  • Basahin at sundin ang payo sa manwal ng upuan sa sasakyan. Panatilihing palaging magagamit ang manwal.

  • Tingnan ang iyong manwal ng may-ari ng sasakyan para sa impormasyon tungkol sa pagkakabit ng upuan sa sasakyan.

  • Upang masuri kung wasto mong naikabit ang iyong upuan sa sasakyan, makipag-ugnayan sa isang sertipikadong technician sa kaligtasan ng batang pasahero (child passenger safety, CPS). Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang NHTSA sa www.nhtsa.gov/equipment/car-seats-and-booster-seats o Safe Kids Worldwide sa www.safekids.org. Maaari ding may mga technician ng CPS ang iyong lokal na ospital, pulis, o departamento ng bumbero.

  • Tingnan ang mga tagubilin sa upuan sa sasakyan upang masigurong ginagamit mo nang wasto ang kagamitan.

  • Tingnan na mahigpit at nakalapat ang mga harness sa dibdib ng bata.

  • Panatalihin ang retainer clip sa lebel ng kilikili.

  • Palaging ikabit ang upuan sa sasakyan sa upuan sa likod ng sasakyan. Dapat laging umupo sa upuan sa likod ang mga batang mas bata sa 13 taong gulang. Mas ligtas ito kung sakaling maaksidente.

  • Huwag gumamit ng upuan sa sasakyan matapos nitong maabot ang petsa ng pag-expire. Kadalasan ito kapag halos 6 na taon na ang upuan. Tingnan ang manwal ng upuan sa sasakyan para sa impormasyon.

  • Huwag gumamit ng upuan sa sasakyang may anumang nakikitang sira dito o nasangkot na sa isang aksidente. Palitan ang upuan sa sasakyan pagkatapos ng anumang aksidente.

  • Huwag gumamit ng isang upuan sa sasakyang na-recall. Upang masuri ang iyong upuan sa sasakyan, bisitahin ang NHTSA sa www.nhtsa.gov/recalls.

  • I-upgrade ang upuan sa sasakyan ng iyong anak habang lumalaki siya. Subaybayan ang taas at timbang ng bata na kinuha sa mga pagbisita sa tagapangalaga ng kalusugan. Sa paraang iyon malalaman mo kung nakalakhan na ng iyong anak ang kanyang upuan sa sasakyan.

  • Kapag nakalakhan ng iyong anak ang upuan sa sasakyan, magpalit sa booster seat.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer