Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkatapos Manganak: Kailan Tatawag sa Tagapangalaga ng Kalusugan

Maaaring mangyari ang mga problema sa kalusugan sa iyo o sa iyong sanggol pagkatapos manganak. Tumawag sa isang tagapangalaga ng kalusugan kung nakita mo ang alinman sa mga palatandaang ito.  

Bantayan ang iyong sanggol para sa mga palatandaang ito

Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol kung ang iyong sanggol ay mayroon ng alinman sa mga ito:

  • Isang temperatura ng tumbong o noo na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng tagapangalaga

  • Mas kaunti sa 6 na mabibigat at mga basang diaper sa isang araw

  • Madilaw na balat o mga puti ng mga mata

  • Kulay asul na mga labi, dila, o bibig

  • Balat na maputla, kulay abo, o kulay asul

  • Pag-iyak nang napakatagal

  • Pag-iyak na marahil ay dulot ng pananakit

  • Pagtatae

  • Pagtanggi sa 2 magkakasunod na pagpapakain

  • Hindi aktibo o matamlay

  • Pagsusuka

  • Dugo sa dumi o suka

  • Pantal

  • Likidong lumalabas mula sa isang tenga

  • Hirap sa paghinga

  • Kumbulsyon

  • Hindi gumigising

  • Pamumula, pamamaga, o likido (nana) sa pusod

  • Tuli na hindi gumagaling o nagdurugo

Pagtiwalaan ang iyong mga nararamdamang kutob. Nangangailangan ng maraming pag-aalaga ang mga bagong silang. Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol kung nag-aalala ka.

Bantayan ang iyong sariling kalusugan para sa mga palatandaang ito

Tumawag sa sarili mong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Pakiramdam na mahapdi o pananakit sa iyong mga suso

  • Mapupulang bahid o matitigas na bukul-bukol na mga bahagi sa iyong mga suso

  • Mga problema sa pagpapasuso

  • Isang lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

  • Matinding pagkapagod o pananakit ng katawan, na para bang mayroon kang trangkaso

  • Pananakit, likido, o pagdurugo mula sa hiwa ng cesarean

  • Mga pakiramdam na pagiging napakalungkot o balisa

  • Pakiramdam na hindi mo gustong makasama ang iyong sanggol

  • Pananakit ng tiyan (abdominal) na hindi napagiginhawa ng gamot

  • Likido mula sa iyong ari na may isang masamang amoy

  • Pagdurugo ng ari na nagbababad ng higit sa 1 pad kada oras

  • Mga kumbulsyon

  • Matinding pananakit ng ulo

  • Pamamaga sa iyong mukha o mga braso at kamay

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer