RSV (Respiratory Syncytial Virus) Infection
Karaniwang sanhi ng mga impeksiyon sa palahingahan ang RSV (respiratory syncytial virus) sa mga tao anuman ang kanilang edad. Mas madalas nangyayari ang RSV sa taglamig at umpisa ng tagsibol. Sobrang pangkaraniwan ang RSV kaya nagkaroon na ng ganitong virus ang halos lahat ng bata sa edad na 2. Maaaring magkaroon ulit ng RSV ang mas nakatatanda at mga taong may mahinang immune system sa mga huling bahagi ng buhay. Ito ay dahil humihina ang kanilang imyunidad sa RSV sa paglipas ng panahon. Madalas na banayad ang mga sintomas ng RSV. Ngunit maaaring maging isang malubhang problema ang RSV para sa mga sanggol, maliliit na bata, at mas nakatatandang adulto na may mataas na panganib. Maaaring magkaroon ang mga grupong ito ng mas malulubhang impeksiyon at problema sa paghinga. Magagamit ang mga pagpipilian sa pag-iwas para sa mga mas nakatatandang adulto, buntis, at bagong silang.
Paano kumakalat ang RSV
Madaling kumakalat ang RSV kapag umuubo o bumabahing ang taong may ganitong impeksiyon. Kumakalat ito sa pamamagitan ng tuwirang paglantad sa isang taong nahawahan. Halimbawa, naikakalat ang virus sa paghalik sa batang may RSV. At maaaring mabuhay ang virus sa matitigas na bagay. Maaaring makakuha ng RSV ang isang tao sa pamamagitan ng paghawak sa isang bagay na may ganitong virus. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga bakod ng kuna at mga doorknob. Mabilis itong kumakalat sa kapaligiran na panggrupo, tulad ng daycare at mga paaralan.

Mga Sintomas ng RSV
Pare-pareho ang mga sintomas na gaya ng sipon o trangkaso ng karamihang mga sanggol at mga batang may RSV. Maaaring kabilang sa mga sintomas na ito ang:
Maaaring patuloy na magkaroon ng bronchiolitis ang ilan. Nangyayari ang kondisyong ito kapag namaga ang maliliit na daanan ng hangin sa mga baga (mga bronchiole). Nagdudulot ito ng:
-
Paghingang may humuhuni
-
Kakapusan sa hininga
-
Mabilis na paghinga
-
Dumalas na pag-ubo
Maaaring magkaroon ng pulmonya ang mga bata, mga nakatatanda, at mga taong mahihina ang immune system.
Paggamot sa RSV
Kadalasang nawawala nang kusa ang RSV. Kadalasang walang lunas ang RSV. Nakatuon ang pangangalaga sa mga sanggol, bata, at nakatatanda sa pagpawi ng mga sintomas. Hindi ginagamit ang mga antibayotiko maliban kung magkaroon ng impeksiyong sanhi ng bakterya. Maaaring gamutin ang mga bata o matatanda na may mataas na panganib sa malubhang RSV gamit ang ilang gamot.
Upang maibsan ang mga sintomas:
-
Pamahalaan ang lagnat. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o nars tungkol sa pagpapababa ng lagnat mo o ng iyong anak. Alamin kung anong gamot ang gagamitin. At kung gaano kadami at gaano kadalas itong gagamitin. Huwag kailanman bigyan ang mga bata at tinedyer ng aspirin o anumang gamot na naglalaman ng aspirin. Nauugnay ito sa mga masasamang epekto, tulad ng pananakit ng sikmura at pagdurugo ng bituka. Ang pinakamalubha, nauugnay ito sa isang kondisyong tinatawag na Reye syndrome.
-
Magdamit nang patung-patong upang hindi uminit nang labis. Siguraduhing hindi sobrang dami ang suot na damit ng iyong anak.
-
Manatiling sapat ang tubig. Kung nasa hustong gulang na ang iyong anak, bigyan siya ng mga likido, tulad ng tubig at katas ng prutas.
-
Gamutin ang baradong ilong. Para sa mga sanggol at maliliit na bata, alisin ang sipon mula sa kanilang ilong gamit ang rubber bulb suction device. Maging marahan upang hindi ka magsanhi ng higit pang pamamaga at banayad na pananakit. Humingi ng mga tagubilin sa tagapangalaga ng kalusugan o nars ng iyong anak. Isaalang-alang ang paggamit ng malamig na mist humidifier para mabuksan ang mga baradong daanan sa loob ng ilong. Maaaring tumayo ang mga nakatatandang bata at matatanda sa maligamgam na shower.
-
Iwasan ang usok ng tabako. Huwag hayaan ang sinuman na manigarilyo nang malapit sa iyong anak. Lumayo sa mga pampublikong lugar kung saan may naninigariilyo.
Para sa malulubhang sintomas
Kailangang gamutin sa ospital ang mga taong may malulubhang sintomas. Sinusubaybayan sila nang mabuti. Maaaring magkaroon sila ng mga paggamot tulad ng:
-
IV (intravenous) na mga likido
-
Oksihino
-
Pagsipsip ng uhog
-
Mga paggamot sa paghinga
-
Gamot para sa pamamaga tulad ng steroids
-
Ribavirin na may aerosol o iniinom
-
Intravenous immune globulin
Mayroong tubong hingahan ang mga may napakalulubhang problema sa paghinga. Inilalagay ang tubo sa lalamunan hanggang sa mga baga. Tinatawag itong intubation. Nakakabit ang tubo sa isang makina (ventilator) na tumutulong sa kanilang makahinga.
Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga kung mayroon ka o ang iyong anak ng alinman sa mga sintomas na ito:
-
Lagnat (tingnan ang Lagnat at mga bata sa ibaba). Para sa mga nakatatanda, tumawag kung may lagnat na 100.4° F (38°C) o mas mataas, o lagnat na hindi bumababa kahit may gamot, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.
-
Kumbulsyon na may mataas na lagnat
-
Tumitinding pag-ubo o may kulay na plema o dugo
-
Paghingasing, paghinga nang mas mabilis kaysa sa normal, o hirap sa paghinga
-
Paglaki ng mga butas ng ilong o pagpuwersa sa dibdib o tiyan habang humihinga (pinakakaraniwan sa maliliit na bata)
-
Nagiging asul ang balat sa paligid ng bibig o mga daliri
-
Hindi mapalagay o pagkamasungit, hindi mapatahimik
-
Hirap sa pagkain, pag-inom, o paglunok
-
Kakapusan sa hininga
-
Pagkatuliro
-
Pagkahilo
-
Kailangang umupo nang tuwid (sa kama o sa upuan) para makahinga o mahabol ang hininga
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo. Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring naisin ng tagapangalaga ng kalusugan na kumpirmahin gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga. Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili. Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig. Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang may pag-iingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang kung kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang iyong anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero. Sundin ang kanyang mga tagubilin.
Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak
Para sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.
-
Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas
-
Kili-kili: 99°F (37.2°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit o noo: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Tainga (ginagamit lamang sa edad na higit sa 6 na buwan): 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Sa ganitong mga kaso:
-
Temperatura sa kili-kili na 103°F (39.4°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Temperatura na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Pag-iwas sa impeksiyong RSV
Upang makatulong na iwasan ang impeksiyon:
-
Linisin ang iyong mga kamay bago at pagkatapos kalungin o hawakan ang iyong anak. Gumamit ng panlinis ng kamay na nagtataglay ng hindi bababa sa 60% alkohol. O hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis, dumadaloy na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.
-
Linisin ang lahat ng ibabaw gamit ang mga panlinis o pamunas na pangdisimpekta.
-
Turuan ang iyong anak kung paano hugasan nang tama ang kanyang mga kamay at kung kailan huhugasan ang mga ito. Madalas na pahugasan sa iyong anak ang kanyang mga kamay. Turuan silang hugasan ang kanilang kamay na kasintagal ng pag-awit ng awiting ABC o awiting Happy Birthday. O pagamitin sila ng panlinis ng kamay na nagtataglay ng hindi bababa sa 60% alkohol.
-
Paglinisin ng kamay ang lahat ng miyembro ng pamilya o mga tagapag-alaga bago at pagkatapos hawakan ang iyong anak.
-
Subaybayang mabuti ang sarili mong kalusugan at ng mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan ng iyong anak. Subukang umiwas na magkaroon ng ugnayan sa pagitan ng iyong anak at mga may sipon o lagnat.
-
Huwag manigarilyo nang malapit sa iyong anak. At huwag hayaan ang sinuman na manigarilyo nang malapit sa iyong anak. Kabilang dito ang mga tagapag-alaga at mga miyembro ng pamilya. Huwag manigarilyo sa inyong tahanan o kotse. Ilayo ang iyong anak sa mga lugar kung saan may naninigarilyo.
-
Para maiwasan ang malubhang RSV sa mga sanggol, inirerekomenda ng CDC ang alinman sa mga ito na nasa ibaba. Karamihan sa mga sanggol ay hindi mangangailangan ng pareho:
-
Maaari ding ipayo ang antibody shot para sa ilang sanggol at mga batang may edad 8 buwan hanggang 19 na buwan na nasa mas mataas na panganib para sa malubhang RSV.
-
Maaaring makakuha ng ibang gamot na monoclonal antibody ang mga sanggol at bata na lubhang nanganganib sa impeksiyon ng RSV. Ibinibigay ito bilang isang serye ng mga turok (mga iniksyon) minsan sa isang buwan sa panahon ng RSV. Tumutulong ang mga ito na maiwasan ang sakit sa mga sanggol na kulang sa buwan at mga batang may mga problema sa kalusugan tulad ng ilang sakit sa puso.
-
Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan kung ikaw ay 60 taong gulang o mas matanda. Magagamit ang isang bakunang RSV upang maprotektahan ang mga nasa hustong gulang na nasa grupo ng edad na ito na may mataas na panganib para sa malubhang RSV. Ang lahat ng nasa hustong gulang na may edad na 75 at mas matanda ay pinapayuhang kumuha ng bakuna laban sa RSV. Maaari kang bigyan ng higit pang impormasyon ng iyong tagapangalaga.
Petsa nang huling binago: 08/15/2024