Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangangalaga sa Hiwa (Incision Care): Tiyan (Abdomen)

Ang pagbebenda sa hiwa ng iyong sugat ay makakatulong na panatilihin itong malinis, tuyo, at ligtas sa impeksiyon. Sa paraang ito ay mas mabilis itong gagaling. Sundin ang mga hakbang sa ibaba.

Mga supply sa pangangalaga sa sugat.

1. Hugasan ang Iyong mga Kamay at I-set Up

  • Gamitin ang likidong sabon. Pabulain hanggang 1–2 minuto. Kuskusin ang pagitan ng iyong mga daliri at ang ilalim ng iyong mga kuko.

  • Banlawan ng mainit-init na tubig, habang pinapanatili ang mga daliri na nakaturo pababa. Gumamit ng malinis na tuwalyang papel upang patuyuin ang iyong mga kamay at isara ang gripo.

  • Ilagay ang lahat ng iyong gamit sa malinis na tuwalyang tela o papel. Buksan ang plastik bag ng basura.

  • Tapyasin ang mga dulo ng pakete ng dressing. Ibuhos ang anumang solusyon sa mga solusyon cup.

  • Linisin ang gunting gamit ang sabon at tubig. Gupitin ang bawat piraso ng tape 4 pulgada ang dagdag na haba kaysa sa haba ng benda.

2. Alisin ang Lumang Benda sa Sugat (Old Dressing)

  • Magsuot ng disposable na guwantes.

  • Kalasin ang tape sa pamamagitan ng marahan na paghila papunta sa hiwa. Isa-isang alisin ang benda sa sugat kada layer. Ilagay ito agad sa plastik bag.

  • Tanggalin ang inyong guwantes panghuli at ilagay ang mga ito sa bag. Hugasan ang iyong mga kamay. Pagkatapos ay magsuot ng bagong guwantes.

3. Linisin at Bendahin ang Hiwa

  • Linisin ang hiwa at lagyan ng bagong benda gaya ng inuutos.

  • Ilagay lahat ng mga ginamit na gamit sa plastik bag. Huling alisin ang iyong mga guwantes at ilagay ang mga ito sa plastik bag. Isara ang bag at itapon ito sa basurahan. Siguraduhin na hugasang muli ang iyong mga kamay.

Tawagan ang Iyong Doctor Kung Ikay ay Mayroong:

  • Pagdurugo mula sa hiwa, o nadagdagan ang laki nito.

  • Nadagdagan ang pamumula, pamamaga, o pagnanana.

  • Pananakit sa o sa palibot ng hiwa.

  • Pagbabago sa kulay ng hiwa.

  • Lagnat na higit sa  101.0°F , o panginginig.

Online Medical Reviewer: Jonas DeMuro MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed: 3/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer