Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkagumon: Itanong sa Iyong Sarili ang mga Tanong na Ito

Itanong sa iyong sarili ang sumusunod na mga tanong. Matutulungan ka ng mga sagot para malaman kung saan ka maaaring may mga problemang dulot ng pang-aabuso sa kontroladong kemikal. Hindi ibig sabihin ng iyong mga sagot na talagang may problema ka sa paggamit ng kontroladong kemikal. Ngunit makatutulong ang mga ito sa iyo na magkaroon ng pakikipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Pagkatapos, makakapagpasya ka kung handa ka nang gawin ang isang bagay tungkol sa iyong paggamit at kung kinakailangan ang karagdagang follow-up.

 

Oo

Hindi

 

Nahihirapan ka ba kailanman na alalahanin ang mga bagay o magpokus sa kung ano ang ginagawa mo dahil inisip mo ang paggamit nito?

Nasira mo na ba kailanman ang mga pangako dahil sa iyong paggamit ng kontroladong kemikal?

Nakagawa ka na ba kailanman ng mga bagay habang gumagamit ka nito na hindi mo naman karaniwang ginagawa?

Nawalan ka na ba kailanman ng trabaho o nagkaproblema sa pera dahil sa iyong paggamit nito?

Gumagawa ka ba kailanman ng mga dahilan para sa iyong paggamit o nagsinungaling para itago ito?

May isang tao bang nagdadahilan para sa iyo kapag may hangover ka?

Mas madalas ka bang hindi pumapasok sa trabaho o paaralan kaysa karaniwan?

Sinabihan ka na ba ng iyong mga anak na itigil ang paggamit nito o natatakot sa iyo kapag gumagamit ka nito?

Iniwan ka na ba kailanman ng iyong asawa o kasintahan dahil sa iyong paggamit nito?

Nagkaproblema ka na ba kailanman sa pakikipagtalik na maaaring naidulot ng iyong paggamit nito?

Nakaranas ka na ba kailanman ng matinding panginginig, nakarinig ng mga boses, o inakalang nakakakita ka ng mga bagay pagkatapos mong gumamit nito?

Napansin mo bang mas madalas kang nagkasakit habang mas gumagamit ka nito?

Nasubukan mo na bang tumigil pero nalamang hindi mo kaya?

Kung sumagot ka ng Oo sa isa o higit pa sa mga tanong na ito, maaaring kailangan mong magbago o ihinto ang iyong paggamit ng kontroladong kemikal.

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Paul Ballas MD
Date Last Reviewed: 11/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer