Kagaya ng anumang operasyon, may mga tiyak na panganib ang operasyong bariatric. Mag-iiba-iba ang mga panganib at komplikasyon ayon sa uri ng iyong operasyong bariatric. Siguraduhing talakayin mo sa iyong surihano ang iyong mga panganib. Kabilang sa mga ito ang:
-
Impeksiyon, kabilang ang sikmura, tiyan (peritonitis), mga hiwa (incision), sa daanan ng ihi o sa mga baga, pati na rin sa iba pang bahagi
-
Mga tagas, pagbara sa isang lugar kung saan tinahi ang tisyu o pinagkabit ng staple (anastomosis) o saan man dahil sa mga pagdikit, o pagdugo. Mangangailangan ito ng mas maraming pamamaraan o maging ng isa pang pangunahing operasyon para ayusin.
-
Mga problema sa paghinga, gaya ng pulmunya o nasirang baga. Maaari itong mangailangan ng tulong sa paghinga gamit ang isang makina (ventilator) at iba pang pamamaraan, gaya ng tubo sa dibdib.
-
Acid reflux, mga ulcer, o esophagitis
-
Dumping syndrome (pagtatae, pulikat, sakit ng tiyan, at iba pang sintomas na gastrointestinal)
-
Pagpalya ng bato, posibleng nangangailangan ng dialysis nang panandalian o pangmatagalan
-
Luslos sa loob, na nangangailangan ng operasyon upang ayusin
-
Pagkabara ng maliit na bituka, na kadalasang nangangailangan ng operasyon
-
Pakiramdam na nanlulumo o iba pang sikolohikal na problema
-
Pamumuo ng dugo sa mga binti na maaaring pumunta sa mga baga o puso at maging banta sa buhay
-
Pinsala sa spleen. Kung minsan kailangang alisin ang spleen, na maaaring humantong sa mga problema sa imyunidad.
-
Paulit-ulit na pagsuka na nangangailangan ng isang pamamaraan upang ihinto ang problema
-
Pagkakaroon ng luslos sa isa sa mga lugar ng hiwa (kabilang ang panloob)
-
Mga problema mula sa anesthesia, gaya ng mga allergy at iba pang reaksyon
-
Tumaas na panganib ng nabaling mga buto dahil nabawasan ang kapal ng mineral ng buto
-
Stroke
-
Mga problema sa puso gaya ng mga atake sa puso at hindi regular na tibok ng puso (arrhythmias)
-
Iba pang bihira pero matinding problema
-
Pangmatagalang mga problema sa nutrisyon, kahit umiinom ng mga suplemento. Sa ilang kaso, dapat ibigay ang mga suplemento sa pamamagitan ng IV (intravenously) para masipsip.
-
Pagkawala ng tubig sa katawan (dehydration)
-
Pagkamatay