Pantulong na Pangangalaga para sa Pananakit
Kapag ginamit ang hindi mainstream na pamamaraan kasama ng tradisyonal na gamot, ito ay tinatawag na pantulong. Maaari kang makahanap ng pampaginhawa sa pananakit na may pantulong na pangangalaga. Humanap ng isang lisensyado o sertipikadong propesyonal. At palaging sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan na gumagamit ka ng pantulong na pangangalga. Narito ang ilang karaniwang anyo ng pantulong na pangangalaga.
Masahe
Maaaring mapataas ng massage therapy ang sirkulasyon at pagpapahinga. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagmamanipula ng malalambot na mga tisyu ng katawan. Maaari itong makatulong ito na maibsan ang stress at kirot. Kadalasan itong ginagawa nang panandalian.

Biofeedback
Gumagamit ang biofeedback ng mga pantapal (electrodes) sa iba't ibang bahagi ng iyong katawan para sukatin ang pisyolohikal na aktibidad ng katawan. Kabilang dito ang bilis ng tibok ng puso, presyon ng dugo, at aktibidad ng kalamnan. Ginagamit ang impormasyong ito para tulungan kang sanayin na matutunang kontrolin ang ilang proseso ng katawan na hindi mo kinokontrol. Kabilang dito ang bilis ng tibok ng puso, pagbanat ng kalamnan, at temperatura ng balat. Gagabayan ka ng biofeedback therapist sa mga paraan ng pagpapahinga. Nakikita ng mga monitor kung paano tumutugon ang iyong katawan.
Chiropractic
Ang chiropractic na paggamot ay gumagamit ng therapeutic na manipulasyon ng gulugod at mga kasukasuan. Maaari itong makatulong na mapababa ang pananakit ng likod, leeg, o kasukasuan. Maaari ding gamitin sa chiropractis ang banayad na electrical stimulation, masahe, init, o ultrasound (sound waves).
Acupuncture
Ginagamit sa acupuncture ang manipis na mga karayom. Ipinapasok ang mga ito sa balat at sa mga strategic point. Ang layunin ay para pasiglahin ang mga nerbiyos at kalamnan upang makatulong na gamutin ang pananakit. Ang paggamot na ito ay maaaring magsanhi sa katawan na maglabas ng sarili nitong mga natural na pampawala ng pananakit at mga kemikal na nakakagaan ng pakiramdam. Kasabay nito, nirerelaks nito ang sistema ng nerbiyos.
Libangan
Tinutulungan ka ng libangan na tumuon sa isang bagay maliban sa pananakit. Subukang magbasa ng libro, manood ng pelikula, o makipag-usap sa pamilya. O bumisita sa lokal na atraksyon.
Pagninilay
Tinutulungan ka ng pagninilay na tumuon sa mga salita, bagay, o ideya. May ilang uri ng pagninilay na maaaring makarelaks ng iyong isipan, mapababa ang stress, at tumutulong na maibsan ang pananakit.
Pagrerelaks
Kabilang sa pagrerelaks ang mga pamamaraan tulad ng pakikinig ng nakagiginhawang musika o mga relaxation tape. Maaari mong subukan ang mabagal at malalim na paghinga. Mag-isip ng kalmadong eksena, tulad ng karagatan o kabundukan, habang humihinga ka. Maaaring gamitin ang pamamaraang ito sa biofeedback.