Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkatapos ng Cesarean

Maaaring tumagal ang lubos na pag-recover pagkatapos ng cesarean. Mahalaga na alagaan ang sarili — para sa iyong kapakanan at dahil kailangan ka ng iyong bagong sanggol.

Pangangalaga sa hiwa

Mga tip sa pag-aalaga sa iyong hiwa ay:

  • Maaaring puwede kang mag-shower at tapikin ang hiwa para matuyo.

  • Bantayan ang iyong hiwa para sa mga senyales ng impeksiyon. Kabilang dito ang pamumula na lumalala o may likidong lumalabas mula rito.

  • Maglagay ng unan sa hiwa kapag bumabangon mula sa pagkahiga o sa pagkaupo. Gawin din ito kapag tumatawa o umuubo.

  • Iwasan ang pagbubuhat ng mabigat. Huwag bumuhat ng anuman na mas mabigat sa iyong sanggol hanggang sa sabihin ng iyong healthcare provider na maaari na.

Kailan dapat tumawag sa iyong healthcare provider

Tawagan ang iyong healthcare provider kung mayroon kang:

  • Lagnat na 100.4°F (38.0°C) o mas mataas

  • Pamumula, pananakit, o nana sa hiwa na lumalala

  • Vaginal na pagdurugo na tumatagos sa pad kada oras o malalaking pamumuo ng dugo

  • Malubhang pananakit sa iyong tiyan

  • Hindi pagdumi sa loob ng 1 linggo pagkatapos ipanganak ang iyong sanggol

  • Vaginal discharge na may mabahong amoy

  • Pamamaga, pamumula, at pananakit sa bahagi ng binti

  • Nasusunog na pakiramdam kapag umiihi o may dugo sa ihi

  • Rash o pantal

  • Kirot, pamumula, o pananakit sa bahagi ng suso (maaaring may sintomas na gaya ng flu)

  • Pakiramdam na balisa, takok, at depresyon, o kahirapan sa pag-bonding sa iyong sanggol

Online Medical Reviewer: Dozier, Tennille, RN, BSN, RDMS
Online Medical Reviewer: Sacks, Daniel, MD, FACOG
Date Last Reviewed: 12/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer