Mga Angiotensin Receptor Blocker (mga ARB)
Mga gamot para sa puso ang mga Angiotensin Receptor Blocker (mga ARB). Kadalasang inirereseta ang mga ito upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo, ngunit magagamit sa paggamot ng iba pang kondisyon. Narito kung paano gumagana ang mga ARB at kung paano gamitin ang mga ito nang mabisa.

Paano gumagana ang mga ARB
Nakatutulong ang mga ARB na pababain ang presyon ng dugo sa pamamagitan ng pagharang sa isang hormone (angiotensin II) na ginawa sa mga bato. Itinataas ng Angiotensin II ang presyon ng dugo sa pamamagitan ng pagsisikip sa mga arterya at nagiging sanhi ng paglabas ng isa pang hormone (aldosterone) na nagpapanatili ng asin. Humahantong ito sa karagdagang pagtaas ng presyon ng dugo. Kaya, kapag hinaharangan ng ARB ang angiotension II, nagreresulta ito sa mas mababang presyon ng dugo sa pamamagitan ng pagpapalawak sa mga arterya at pagbawas sa dami ng dugo sa pamamagitan ng pagkawala ng asin.
Ano-anong kondisyon ang ginagamot ng mga ARB
-
Presyon ng dugo. Dahil tumutulong ang mga ARB na mabawasan ang presyon ng dugo, kadalasang ginagamit ang mga ito upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo (hypertension). Maaaring ireseta ang mga ito sa halip na mga angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitor kung nabuo ang ilang masasamang epekto sa mga ACE inhibitor, tulad ng ubo.
-
Pagpalya ng puso. Ito ay kapag hindi na makapagbomba ng sapat na dugo ang puso sa buong katawan. Pinipigilan ng mga ARB ang pagtaas ng presyon ng dugo at binabawasan ang puwersa sa puso. Tumutulong ang mga bagay na ito sa paggamot ng pagpalya ng puso sa pamamagitan ng pagpapadali na makapagbomba ang puso, at pagpapabuti ng daloy ng dugo.
-
Diabetes. Ito ay kapag hindi gumagawa ng sapat na insulin upang gamitin ang asukal sa dugo para sa enerhiya. Maaaring mapinsala ng diabetes ang mga daluyan ng dugo. Maaari itong humantong sa pagpalya ng puso (kapag tumigil sa paggana nang maayos ang mga bato). Maaari ding mapinsala ng mataas na presyon ng dugo ang mga daluyan ng dugo. Dahil tumutulong ang mga ARB na mapababa ang presyon ng dugo, tumutulong ang mga ito na bawasan ang panganib ng pagkasira ng daluyan ng dugo at pagpalya ng bato.
Masasamang epekto ng mga ARB
Maaaring mangyari ang masasamang epekto sa mga unang araw ng paggamit. Nawawala ang ilan habang nasasanay ang iyong katawan sa gamot. Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, kung nagpapatuloy o lumalala ang mga masasamang epektong ito. Maaaring mangailangan ng kaagad na paghinto sa gamot ang ilang masasamang epekto, ayon sa ibinilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring kabilang sa masasamang epekto ang:
Mga reaksiyon sa gamot
Nakakaapekto ang ilang gamot sa kung paano gumagana ang iba pang gamot kapag iniinom nang magkasabay. May kaunting reaksyon sa iba pang gamot ang mga ARB. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung umiinom ka ng alinman sa sumusunod:
-
Mga suplementong potassium, kapalit ng asin, at gamot na nagpapataas ng lebel ng potassium
-
Water pills (diuretics)
-
Lithium
-
Cimetidine
-
Rifampin
-
Fluconazole o etoconazole
Ano ang sasabihin sa iyong tagapangalaga bago uminom ng mga ARB
Kailangang malaman ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang kasaysayan ng iyong kalusugan upang ligtas na makapagreseta ng gamot para sa iyo. Siguraduhing sabihiin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang:
-
Ano-anong mga gamot ang iyong iniinom, kasama ang mga uring nabibili nang walang reseta at mga suplemento.
-
Kung may allergy ka sa anumang gamot, lalo na sa mga ACE inhibitor.
-
Kung mayroon ka o nagkaroon ka ng iba pang medikal na problema tulad ng diabetes o sakit sa puso, bato, o atay.
-
Kung buntis ka, nagpaplanong magbuntis o nagpapasuso.
Tandaan:Huwag uminom ng mga ARB kung buntis ka o nagpaplanong magbuntis. Makapipinsala ang gamot na ito sa sanggol sa sinapupunan.
Mga payo sa pag-inom ng mga gamot
Kailangang inumin araw-araw ang mga ARB—kahit maganda ang iyong pakiramdam. Gamitin ang mga payo sa ibaba upang manatiling nasa tamang landas.
-
Magkaroon ng isang routine. Inumin ang iyong gamot sa parehong oras bawat araw. Maaari itong maging sa almusal, kapag nagsisipilyo ka, o bago mo ipasyal ang aso. Kung makalaktaw ka ng isang tableta, huwag uminom ng 2 sa susunod.
-
Magplano nang maaga. I-refill ang mga reseta bago maubusan. Siguraduhing magdala ng sapat na gamot kapag naglalakbay ka.
-
Huwag kailanman baguhin ang iyong dosis o itigil ang pag-inom ng gamot nang ikaw mismo. Maaaring maging mapanganib ito. Palaging makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gumawa ng anumang pagbabago sa plano ng iyong gamot.
-
Gumamit ng mga paalala. Itago ang gamot kung saan mo ito makikita. Maglagay ng mga tala sa refrigerator o iba pang lugar na makikita mo ang mga ito. Makatutulong din ang paggamit ng pillbox. Makakatulong din ang pagtatakda ng paalala sa iyong relo o paggamit ng smartphone app.
-
Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa iba pang gamot o mga suplementong iniinom mo. Maaaring magkaroon ng reaksyon ang mga ito sa iyong gamot. Maaari ding tumaas ang presyon ng dugo dahil sa ilang gamot sa sipon at trangkaso.
Kailan ko dapat tawagan ang aking tagapangalaga ng kalusugan?
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod habang umiinom ng mga ARB:
-
Nagtatagal na tuyong ubo
-
Pagiging puno ng lalamunan o kakapusan sa hininga
-
Pamamaga ng mukha o labi
-
Hindi gumagaling na pagtatae at pagbaba ng timbang
-
Isang malaking pagbabago sa kung gaano karaming ihi ang iyong nagagawa
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Mga palatandaan ng reaksyon sa allergy. Kabilang dito ang pamamantal, pangangati, pamamaga, at problema sa paghinga.
-
Pananakit ng dibdib
-
Pagkahilo (pagkawala ng malay)
Online Medical Reviewer:
Callie Tayrien RN MSN
Online Medical Reviewer:
Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer:
Steven Kang MD
Date Last Reviewed:
2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.