Laslas sa Mukha: Mga Tahi o Tape (Bata)
Ang laslas ay isang hiwa sa balat. Kung malalim ito, kailangan nito ng mga tahi. Ang ilang tahi ay kailangang tanggalin ng isang tagapangalaga ng kalusugan. Tinatawag ang mga itong nonabsorbable stitches. Ang iba ay kusang natutunaw at hindi na kailangang tanggalin. Tinatawag ang mga itong absorbable stitches. Maaaring gamutin ang mga maliit na hiwa gamit ang surgical tape.
Malamang na kailangan din ng iyong anak ng iniksyon sa tetanus. Ibinibigay ito kung ang iyong anak ay hindi nakatanggap ng napapanahong bakuna at ang bagay na nakahiwa ay maaaring magdulot ng tetanus.
Pangangalaga sa tahanan
-
Maaaring magreseta ng antibayotiko ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak para iwasan ang impeksyon. Sundin ang mga tagubilin para sa pagbibigay ng mga gamot na ito sa iyong anak. Tiyaking naiinom ng iyong anak ang gamot hanggang sa mawala na ito kahit pa mabuti na ang pakiramdam ng iyong anak, maliban na lang kung sinabing ihinto. Hindi ka dapat magtira ng anumang gamot.
-
Kung may nararamdamang pananakit ang iyong anak, bigyan siya ng gamot sa kirot gaya ng ipinayo ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Huwag bigyan ng aspirin ang iyong anak. Puwede itong magdulot ng malubhang problema sa mga batang 15 taong gulang pababa. Huwag bigyan ang iyong anak ng anumang iba pang gamot nang hindi muna tinatanong ang tagapangalaga ng kalusugan.
-
Sundin ang mga tagubilin ng tagapangalaga ng kalusugan sa kung paano pangangalagaan ang hiwa.
-
Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis na dumadaloy na tubig bago at pagkatapos asikasuhin ang iyong anak. Makakatulong ito na iwasan ang impeksyon.
-
Kapag nilagyan ng benda at naging basa na o marumi, palitan ito. Kung hindi, hayaan itong nakalagay sa sugat sa unang 24 na oras, pagkatapos palitan ito isang beses sa isang araw o ayon sa iniutos.
-
Pangangalaga sa mga tahi: Linisin araw-araw ang sugat ayon sa iniutos ng tagangalaga ng kalusugan. Una, tanggalin ang benda. Pagkatapos maingat na hugasan ang bahagi gamit ang sabon at malinis na dumadaloy na tubig. Gumamit ng basang bulak para matuklap at tanggalin ang anumang dugo o langib na namuo. Pagkatapos linisin, pahiran ng manipis na antibiotic ointment kung ipinayo. Pagtapos lagyan ng bagong benda.
-
Pangangalaga sa surgical tape: Panatilihing tuyo ang bahagi. Kung mabasa ito, patuyuin ito gamit ang malinis na tuwalya.
-
Huwag ibabad sa tubig ang hiwa. Paliguan ang iyong anak sa shower o gamitan ng espongha sa halip na maligo sa tub. Huwag hayaang lumangoy ang iyong anak.
-
Tiyaking hindi kakamutin, kukuskusin, o susungkitin ng iyong anak ang bahagi. Maaaring kailangang magsuot ng sanggol ng mga pambalot sa kamay.
-
Bantayan kung may mga palatandaan ng impeksyon na nakalista sa ibaba. Karamihan ng mga sugat sa balat ng mukha ay gumagaling nang walang mga problema. Pero kung minsan nangyayari ang pagkaimpeksyon kahit pa ginagamot nang tama.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo. Kung may mga tahi ka, tanungin ang iyong provider tungkol sa kung aling uri ng tahi ang ginamit. Para sa mga absorbable stiches (tahi na natutunaw nang kusa), tanungin kung gaano katagal bago matunaw ang mga tahi. Para sa mga nonabsorbable stitches (tahi na hindi natutunaw nang kusa), tanungin kung gaano katagal dapat manatili ang mga tahi sa balat mo at kailan ibabalik ang iyong anak para tanggalin ang mga tahi. Kung ginamitan ng surgical tape, maaaring ikaw mismo ang magtanggal nito kapag inirekomenda ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kapag hindi ito natanggal nang kusa. Kadalasang natatanggal nang kusa ang surgical tape pagkaraan ng 7 hanggang 10 araw.
Espesyal na paalala sa mga magulang
Sinanay ang mga tagapangalaga ng kalusugan na makita ang mga pinsala sa iyong maliliit na anak bilang palatandaan ng posibleng pag-abuso. Posibleng tanungin ka tungkol sa kung paano napinsala ang iyong anak. Iniuutos ng batas sa mga tagapangalaga ng kalusugan na itanong sa iyo ang mga tanong na ito. Ginagawa ito para protektahan ang iyong anak. Mangyaring maging mapagpasensya.
Kailan hihingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Nagdurugo ang sugat nang marami-rami o hindi naaampat ang pagdurugo.
-
Mga palatandaan na may nangyayaring impeksyon:
-
Tumitinding kirot sa sugat. Maaaring ipakita ng mga sanggol na nasasaktan siya sa pamamagitan ng pag-iyak o pag-aalburuto na hindi mapatahan.
-
Tumitinding pamumula ng sugat o pamamaga
-
Pagnana o mabahong amoy na lumalabas sa sugat
-
Lagnat na 100.4°F (38ºC) o mas mataas, o ayon sa sinabi ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak
-
Panginginig
-
Muling bumubuka ang gilid ng sugat
-
Naghihiwalay na mga tahi o natatanggal o natatanggal na surgical tape nang wala pang 5 araw
-
Nagbabago ang kulay ng sugat
-
May nangyayaring pamamanhid sa palibot ng sugat
Online Medical Reviewer:
Kenny Turley PA-C
Online Medical Reviewer:
Liora C Adler MD
Online Medical Reviewer:
Maryann Foley RN BSN
Date Last Reviewed:
6/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.