Impeksiyon sa Pantog, Babae (Adulto)
Karaniwang walang anumang mikrobyo (bakterya) ang ihi. Ngunit maaaring makapasok sa daanan ng ihi ang bakterya mula sa balat sa paligid ng tumbong. O maaari itong dumaloy sa dugo mula sa iba pang bahagi ng katawan. Kapag nasa iyong daanan ng ihi ang mga ito, maaaring magdulot ang mga ito ng impeksiyon sa mga bahaging ito:
An pinakakaraniwang lugar ng impeksiyo ay sa pantog. Tinatawag itong impeksiyon sa pantog. Ito ang isa sa pinakakaraniwang impeksiyon sa kababaihan dahil mas maikli ang urethra ng mga kababaihan kaysa sa kalalakihan. Mas maikli ang distansyang lalakbayin ng bakterya para maabot ang pantog. Ang mga kababaihang dumanas na ng menopause ay nawalan din ng proteksyon mula sa estrogen na nagpapababa ng tsansa ng pagkakaroon ng UTI. At ilang kababaihan ang nasa mas mataas na panganib dahil sa kanilang mga gene.
Madaling nagagamot ang karamihang impeksiyon ng pantog. Hindi malubha ang mga ito maliban kung kumalat ang impeksiyon sa bato.
Madalas na ginagamit ang mga salitang impeksiyon sa bato, UTI, at cystitis upang ilarawan ang parehong bagay. Ngunit hindi laging pareho ang mga ito. Ang cystitis ay pamamaga ng pantog. Ang pinakakaraniwang dahilan ng cystitis ay ang impeksiyon.

Mga sintomas
Nagdudulot ang impeksiyon ng pamamaga sa urethra at pantog. Nagdudulot ito ng maraming sintomas. Ang mga pinakakaraniwang sintomas ng impeksiyon sa pantog ay:
-
Kirot o mahapdi kapag umiihi
-
Kailangang umihi nang mas madalas kaysa normal
-
Dagliang pagkaramdam ng pag-ihi
-
Kaunting ihi lang ang lumalabas
-
Dugo sa ihi
-
Pananakit ng tiyan. Ito ay kadalasang sa ibabang bahagi ng tiyan sa itaas ng buto ng singit.
-
Pananakit ng ibabang likod
-
Malabong ihi
-
Mabahong ihi
-
Hindi makaihi (pagpipigil ng ihi)
-
Hindi mapigilan ang ihi
-
Lagnat
-
Pagkawala ng gana
-
Pagkalito (sa mga mas nakatatanda)
Mga Sanhi
Hindi nakahahawa ang mga impeksiyon sa pantog. Maaari kang makakuha ng impeksiyon mula sa isang tao, mula sa upuan ng banyo, o mula sa pagsabay sa paliligo.
Ang pinakakaraniwang dahilan ng mga impeksiyon sa pantog ay bakterya mula sa mga dumi. Pumapasok ang bakterya sa balat sa paligid ng bukana ng urethra. Mula roon, maaaring makapasok ang mga ito sa ihi. Pagkatapos, maglalakbay ang mga ito sa pantog, na nagdudulot ng pamamaga at impeksiyon. Madalas itong nangyayari dahil sa:
-
Maling pagpupunas matapos umihi. Palaging magpunas mula sa harap papuntang likod.
-
Kawalang-pagpipigil sa pagdumi
-
Pagbubuntis. Sa panahon ng pagbubuntis itinataas ng mga pagbabago sa daanan ng ihi ang panganib ng impeksiyon.
-
Mga pamamaraan gaya ng pagpapasok ng catheter
-
Katandaan
-
Hindi pag-ihi. Maaari itong magbigay ng pagkakataon sa bakterya na dumami sa iyong ihi.
-
Pagkawala ng tubig sa katawan (dehydration)
-
Pagtitibi
-
Pakikipagtalik
-
Paggamit ng diaphragm para sa pagpigil ng pagbubuntis
Paggamot
Nada-diagnose ang mga impeksiyon sa pantog sa pamamagitan ng pagsusuri ng ihi at pagkultura ng ihi. Ginagamot ang mga ito ng mga antibayotiko. Madalas na mabilis nawawala ang mga ito nang walang problema. Tumutulong ang paggamot upang maiwasan ang mas malubhang impeksiyon sa bato.
Mga Gamot
Makatutulong ang mga gamot sa paggamot ng impeksiyon sa pantog:
-
Inumin ang mga antibayotiko hanggang maubos ang mga ito, kahit mabuti na ang iyong pakiramdam. Mahalagang ubusin ang mga ito para matiyak na wala na ang impeksiyon.
-
Makakagamit ka ng acetaminophen o ibuprofen para sa pananakit, lagnat, o kawalang-ginhawa, malibang may iniresetang ibang gamot. Kung mayroon kang pangmatagalang (hindi gumagaling) na sakit sa atay o bato, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa iyong tagapangalaga kung nagkaroon ka na ng ulser sa sikmura o pagdurugo sa GI (gastrointestinal), o umiinom ng mga gamot na pampalabnaw ng dugo.
-
Kung binibigyan ka ng phenazopydridine upang mabawasan ang panghahapdi sa pag-ihi, gagawin nitong matingkad na orange ang kulay ng iyong ihi. Maaari itong makamantsa sa damit.
Pangangalaga at pag-iwas
Makatutulong ang mga hakbang na ito sa pangangalaga ng sarili na maiwasan ang mga impeksiyon sa hinaharap:
-
Uminom ng maraming likido. Tumutulong ito na maiwasan ang dehydration at malinis ang iyong pantog. Gawin ito maliban kung dapat mong pigilin ang mga likido para sa iba pang kadahilanang pangkalusugan, o sinabi sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na huwag gawin ito.
-
Linisin nang tama ang iyong sarili matapos gumamit ng banyo. Magpunas mula sa harap papuntang likod pagkatapos gumamit ng banyo. Tumutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng bakterya.
-
Umihi nang mas madalas. Huwag subukang pigilin ang ihi nang matagal.
-
Magsuot ng maluluwag na damit at underwear na gawa sa bulak. Huwag magsuot ng masisikip na pantalon.
-
Pahusayin ang iyong diyeta at iwasan ang pagtitibi. Kumain ng mas maraming prutas at gulay, at fiber. Kumain ng mas kaunting tsitsirya at matatabang pagkain.
-
Huwag makipagtalik hanggang mawala ang iyong mga sintomas.
-
Huwag magkaroon ng caffeine, alkohol, at maaanghang na pagkain. Maaari itong makairita sa iyong pantog.
-
Umihi pagkatapos makipagtalik upang linisin ang iyong pantog.
-
Kung gumagamit ka ng mga pildoras para sa pagkontrol ng pagbubuntis at mayroong madalas na mga impeksiyon ng pantog, talakayin ito sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.
Follow-up na pangangalaga
Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung hindi nawawala ang lahat ng sintomas pagkatapos ng 3 araw ng paggamot. Lalo itong mahalaga kung mayroon kang mga paulit-ulit na impeksiyon.
Kung ginawa ang culture, sasabihan ka kung kailangang baguhin ang iyong gamutan. Kung itinagubilin, maaari kang tumawag para malaman ang mga resulta.
Kung ginawa ang mga X-ray, sasabihin sa iyo kung makakaapekto ang mga resulta sa iyong paggamot.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
-
Hirap sa paghinga
-
Mahirap magising o pagkalito
-
Pagkahilo (pagkawala ng malay)
-
Mabilis na pintig ng puso
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Lagnat na 100.4ºF (38.0ºC) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Hindi bumubuti ang mga sintomas pagkalipas ng 3 araw na gamutan
-
Lumalala ang mga sintomas o may mga bago kang sintomas
-
Pananakit ng likod o tiyan na lumalala
-
Paulit-ulit na pagsusuka, o hindi mainom ang gamot
-
Panghihina o pagkahilo
-
May lumalabas sa pwerta
-
Pananakit, pamumula, o pamamaga sa labas na bahagi ng puwerta (labia)