Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Cyst sa Obaryo

Larawan na nagpapakita ng hinati sa gitna na bahagi ng uterus, na may mga Fallopian tube, cervix, ovary, at cyst sa obaryo.

Ang mga obaryo ay dalawang maliit na organ na matatagpuan sa bawat galid ng sinapupunan ng babae (matris). Ang mga ito ay bahagi ng sistema ng pag-aanak ng babae. Ang mga cyst sa obaryo ay mga sac na puno ng likido o tisyu na nabubuo sa o nasa loob ng mga obaryo.

Karaniwan sa kababaihan ang mga cyst sa obaryo, lalo na sa mga edad na nagbubuntis. Mayroong iba't ibang uri ng mga cyst. Karamihan ay hindi mapanganib (hindi malubha) at nawawala nang kusa. Kadalasang walang sintomas ang mga ito. Kung may mangyaring mga sintomas, maaaring kasama sa mga ito ang banayad na kirot o presyon sa ibabang bahagi ng tiyan (abdomen).

Ang mga cyst na malalaki o nabiyak (pumutok) ay maaaring maging sanhi ng mas matinding pananakit at mga sintomas. Sa mga kasong ito, maaari mong kailanganin ang pangangalaga ng ospital o paggamot tulad ng operasyon. Maaari mong kailanganin ang mas malawak na paggamot kung ang nagsasanhi ang cyst na bumaluktot ang obaryo (tinawatawag na torsion) o kung naghihinala ang iyong tagapangalaga ng kalusugan na ang cyst nakakanser. Gayunman, tandaan na hindi nakakansae ang karamihang cyst.

Pangangalaga sa tahanan

  • Para matulungang maibsan ang kirot, maaaring irekomenda ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na gumamit ka ng gamot sa kirot na nabibili nang walang reseta. Kung kinakailangan, maaari ding magreseta ang iyong tagapangalaga ng mas malakas na gamot sa kirot.

  • Depende sa uri ng cyst na mayroon ka, maaari kang payuhan ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na uminom ng mga gamot upang makaiwas sa pagbubuntis. Tumutulong ang mga ito na paurungin ang mga cyst sa ilang pangyayari. Maaari ding makatulong ang mga ito na maiwasan ang pagkabuo ng mga bagong cyst. Siguraduhing inumin ang mga gamot na ito ayon sa itinagubilin kung inireseta ang mga ito.

  • Maaari kang payuhan ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na bantayan ang iyong mga sintomas sa paglipas ng panahon upang makita kung ang mga ito ay nawala o lumala. Maaari ding ipayo ang mga pagsusuri na regular na ultrasound. Maaaring makatulong ang mga ito na suriin kung nawala o lumalaki ang cyst.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo.

Kailan dapat humingi ng medikal na pagpapayo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lumulubha ang kirot o hindi gumagaling sa paggamot sa bahay

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Pagduduwal at pagsusuka

  • Panghihina, pagkahilo, o pagkahimatay

  • Hindi normal na pagdurugo ng puwerta

Online Medical Reviewer: Daniel N Sacks MD
Online Medical Reviewer: Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer: Heather Trevino
Date Last Reviewed: 7/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer