Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Laserasyon sa Mukha: Tahi o teyp

Ang laserasyon ay hiwa sa balat. Kakailanganin nito ng pagtahi kung malalim. Ang mga hindi malubhang hiwa ay maaaring lunasan gamit ang mga teyp na pagoperasyon.

Pangangalaga sa Tahanan

  • Maaaring magreseta ng antibayotiko ang tagalapangalaga ng iyong kalusugan. Ito ay upang makatulong na iwasan ang impeksyon. Sundin ang lahat ng tagubilin para sa paginom ng gamot na ito. Inumin ang gamot araw-araw hanggang sa maubos o sabihan ka na ihinto na ito. Wala ka dapat itira dito.

  • The healthcare provider may prescribe medicines for pain. Maaaring magreseta ang tagapangalaga ng kalusugan ng mga gamot para sa pananakit. Sundin ang mga tagubilin sa paginom ng mga ito.

  • Sundin ang mga tagubilin ng tagapangalaga ng kalusugan kung paano pangalagaan ang isang hiwa.

  • Hugasan ang kamay gamit ang sabon o maligamgam na tubig bago at pagkatapos pangalagaan ang sugat. Nakatutulong ito na maiwasan ang impeksiyon.

  • Kung inilagay ang isang benda at nabasa ito o nadumihan, palitan ito. Kung hindi, iwan lang itong nakalagay sa loob ng 24 oras, saka palitan isang beses isang araw o kung ano ang ipinayo.

  • Kapag tahi ang ginamit, linisin ito araw araw:

    • Pagkatapos tanggalin ang bendahe, linisin ang sugat gamit ang sabon at tubig. Gumamit ng basing bulak upang tanggalin ang dikit at anumang dugo o langib na namuo.

    • Matapos linisin, panatilihing malinis at tuyo ang sugat. Makipagusap sa iyong doktor bago maglagay ng anumang antibayotikong pamahid sa sugat. Maglagay muli ng sariwang bendahe.

    • Maaari mong alisin ang benda upang maligo pagkatapos ng unang 24 na oras, ngunit huwag ibabad ang sugat sa tubig (huwag lumangoy) hanggang ang mga tahi (sutures) ay naalis na.

  • Kung ginamitan ng teyp na pangoperasyon, panatilihing malinis at tuyo ang dako. Kapag nabasa ito, patuyuin ito gamit ang tuwalya.

  • Karamihan sa mga sugat sa balat ay gumagaling ng walang problema. Gayunman, ang impeksiyon ay minsang nangyayari kahit na may tamang gamutan. Kaya magsubaybay para sa mga senyales ng impeksiyon na nakalista sa ibaba.

Follow-up na pangangalaga

Bumalik sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ayon sa binilin. Siguraduhing bumalik para sa pagtatanggal ng tahi ayon sa bilin. Tanungin ang iyong tagapangalaga kung gaano katagal dapat nasa lugar ang tahi. Kung gumamit ng surgical tape closure, maaari mong tanggalin ito nang sarili kung inirekomenda ng iyong tagapangalaga kung hindi pa ito kusang natatanggal.

Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Pagdurugo ng sugat na hindi makontrol ng direktang presyur.

  • Mga senyales ng impeksyon, kabilang ang pagtindi ng pananakit sa sugat, lumalalang pamumula o pamamaga, nana o mabahong amoy mula sa sugat

  • Lagnat na100.4°F (38ºC) pataas o ayon sa ibinilin ng tagapangalaga ng kalusugan

  • Tahi o teyp na pangoperasyon na natanggal ng wala pang 5 araw

  • Sugat na bumubukang muli

  • Nagiibang kulay ng sugat

  • Pamamanhid sa paligid ng sugat

Online Medical Reviewer: Bass, Pat F. III, MD, MPH
Online Medical Reviewer: Fraser, Marianne, MSN, RN
Date Last Reviewed: 7/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer