Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkontrol sa Lagnat (Katandaan)

Ang lagnat ay normal na reaction ng katawan sa sakit. Ang temperatura mismo ay hindi karaniwang mapanganib. Ito ay tumutulong sa iyong katawan na labanan ang impeksyon. Hindi mo kailangang lunasan ang lagnat maliban na lamang kung ikaw ay hindi komportable.

Pangangalaga sa Tahanan

Sundin ang mga payong ito kung paano pangalagaan ang iyong sarili sa tahanan:

  • Kung mainit ang iyong pakiramdam, suriin ang iyong temperatura.

  • Magsuot ng maninipis na damit. Makakatulong ito na mabawasan ang ekstrang init sa pamamagitan ng iyong balat. Tataas ang lagnat kung ikaw ay magsusuot ng makapal o babalutan ng kumot.

  • Ang lagnat ay nagdudulot ng pagkawala ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng pagsingaw. Uminom ng maraming likido. Kabilang dito ang tubug, katas ng prutas, malinaw na soda, katas ng luya o lemonada.

Mga gamot sa lagnat

Maaari kang uminom ng acetaminophen kada 4 hanggang 6 na oras kung:

  • Ikaw ay labis na hindi komportable

  • Ang iyong temperatura mula sa iyong bibig ay100.4ºF (38ºC) o higit pa

Kung hindi mo kayang uminom ng gamot, tanungin ang iyong parmasyotiko para sa mga supositoryong acetaminophen. Hindi mo na kailangan ng reseta para sa mga ito.

Kung hindi bumuti ang lagnat sa loob ng 1 oras matapos inumin ang acetaminophen, uminom ng ibuprofen. Kung gumana ito, patuloy na ibigay ang ibuprofen bawat 6 hanggang 8 oras.

Tandaan: Kung ikaw ay may pangmatagalang sakit sa atay o bato, makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan bago uminom ng mga gamot na ito. Makipgusap din sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung ikaw ay may ulser o pagdurugo sa tiyan.

Kung hindi gumana ang alinmang gamot para pababain ang lagnat, maaari kang magpahinga sa pagitan ng 2 gamot kada 3 hanggang 4 na oras. Ngunit gawin lamang ito kung sinabi sa iyo ng tagapangalaga ng iyong kalusugan. Halimbawa, uminom ng ibuprofen. Maghintay ng 3 oras. Pagkatapos ay inumin ang acetaminophen. Maghintay ng 3 oras. Inumin ang acetaminophen, at iba pa. Ganap na sundin ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga.

Tandaan: Huwag magbigay ng aspirin sa sinuman na wala pang 18 taong gulang na may lagnat. Ang aspirin ay maaaring magdulot ng malubhang epekto katulad ng pinsala sa atay at Reye sindrom. Bagama't bihira, ang Reye sindrom ay isang malubhang sakit na matatagpuan sa mga batang wala pang 15 taong gulang. Ang sindrom ay may malapit na kaugnayan sa paggamit ng aspirin o mga gamot na naglalaman ng aspirin tuwing may impeksyong dulot ng mikrobyo.

Follow-up na pangangalaga

Bumalik sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kapag ikaw ay hindi bumuti matapos ang 48 oras.

Tumawag ng tagapangalaga ng kalusugan kung:

  • Ang iyong lagnat ay 1° na mas mataas sa iyong normal na temperatura at tumatagal ng 24 o 48 oras

  • O kung ano man ang sinabi sa iyo ng tagapangalaga ng iyong kalusugan basa sa iyong kondisyon medikal.

  • Ikaw ay buntis

  • Ikaw ay nagkaroon ng isang operasyon at iba pang medikal na pamamaraan, o nailabas pa lamang mula sa ospital

Makipagkita sa isang tagapangalaga ng kalusugan kung:

  • May lagnat na tumagal ng higit sa 3 araw, kahit na walang ibang sintomas

  • Pagkabalisa o hirap magisip

  • Pananakit ng ulo o paninigas ng leeg

  • Patag, maliliit, kulay pula at lilang batik sa iyong balat

  • Mababang presyon ng dugo

  • Mabilis na tibok ng puso

  • Mabilis na paghinga

  • Temperatura na mas mataas sa104°f (40°C) o mas mababa sa 95°F (35°C)

  • Pagkakaroon ng lagnat sa loob ng isang buwan matapos bumisita sa isang bansang may malarya. Ang malarya ay isang malubhang sakit. Ang lagnat ay maaari pading maging malarya kahit na uminom na ng gamot upang maiwasan ito. Ang gamot ay hindi tumatalab sa lahat ng kaso.

  • Paggamit ng mga gamot na pampigil sa normal na depensa ng katawan (immunosuppressant). Ito ang mga gamot na pumipigil sa sistema ng pagdepensa ng katawan, katulad ng Prednisone, mga gamot para sa kanser, at mga gamotupang maiwasan ang pagtanggi ng katawan sa isang bagong organo. Kung ikaw ay hindi nakasisiguro kung ang isang gamot ay pumipigil sa sistema ng pagdepensa ng iyong katawan, tanungin ang tagapangalaga ng iyong kalusugan.

Kailan dapat tumawag sa 911

Tumawag sa 921 kung ikaw ay:

  • Hirap na paghinga o kakapusan sa paghinga

  • Hindi tumutugon

Mahalagang paalala

Tawagan ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kung ikaw ay magkalagnat matapos bumisita sa isang lugar na karaniwan ang mga nakahahawang sakit. Maraming tao ang nakakakuha ng isang sipon o iba pang mikrobyo habang naglalakbay. Ito ay karaniwang nawawala ng kusa. Ngunit sa ibang mga lugar ay mayroong mas malubhang sakit. Ang lagnat na may iba pang sintomas ay maaaring mangahulugan na ikaw ay may malubhang sakit. Kabilang sa mga sintomas na dapat bantayan ay ang pagtatae, mga pantal sa balat, mga kagat ng insekto, mga pigsa sa balato mga impeksyon. Maaari kang tanungin ng iyong tagapangalaga kung:

  • Ano ang ginawa mo sa iyong paglalakbay

  • Gaano katagal kang nandoon

  • Saan ka namalagi (hotel, katutubong tahanan, tent)

  • Ano ang iyong kinain at ininom

  • Ikaw ba ay nakagat ng anumang insekto

  • Kung ikaw ay lumangoy sa tubig-tabang.

  • Kung ikaw ay nakipagtalik, nagpatato o nagpabutas ng bahagi ng katawan habang nandoon

Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Centers for Disease Control and Prevention sa wwwnc.cdc.gov/travel/destinations/list upang makakuha ng higit pang impormasyon ukol sa mga partikular na nakahahawang sakit sa mga lugar na iyong nabisita.

Online Medical Reviewer: Bass, Pat F III, MD, MPH
Online Medical Reviewer: Foster, Sara, RN, MPH
Online Medical Reviewer: Fraser, Marianne, MSN, RN
Date Last Reviewed: 1/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer