Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diabetes at ang Iyong Anak: Pag-unawa sa Type 1 na Diabetes

Sinabihan ka na may type 1 na diabetes ang iyong anak. Nangangahulugan ito na hindi makagawa ng insulin ang kanyang lapay. Sa type 1 diabetes, nagiging sanhi ang autoimmune disorder upang sirain ng katawan ang mga selula sa lapay na gumagawa ng insulin. Kapag walang sapat na insulin, hindi makakapasok sa mga selula ang asukal sa dugo na gagamitin para sa enerhiya. Kaya, naiipon ito sa dugo (hyperglycemia). Habambuhay na kalagayan ang diabetes. Kapag hindi agad ito nagamot, maaari itong humantong sa seryosong mga problema sa kalusugan. Pero maaaring kontrolin ang diabetes sa tamang paggamot at mga pagbabago sa pamumuhay para mabuhay ang iyong anak nang ganap at malusog na buhay.

Paano nagkakaroon ng enerhiya ang katawan

Kapag kumakain ang iyong anak, tinutunaw ng digestive system ang pagkain. Ilan sa pagkaing ito ay ginagawang glucose sa bituka. Nagbibigay ng enerhiya sa mga selula ng katawan ang glucose (tinatawag ding asukal sa dugo). Dumadaloy ito sa pamamagitan ng dugo para maabot ang mga selula. Ngunit kailangan ng glucose ng tulong ng hormone na tinatawag na insulin upang makapasok sa mga selula. Ginagawa ng lapay ang insulin. Inilalabas ang insulin sa dugo. Pumupunta ito sa mga selula kagaya ng glucose. Kapag nakarating ang insulin sa isang selula, kumikilos itong tulad ng isang susi. Binubuksan nito ang pinto sa selula para makapasok ang glucose. 

Balangkas ng tiyan ng bata na nagpapakita ng sikmura, lapay, at bituka.

Closeup cross section ng daluyan ng dugo na malapit sa mga selula na may insulin at glucose na pumapasok sa daloy ng dugo. Kumakapit ang insulin sa selula. Pumapasok ang glucose sa selula at ginagamit para sa enerhiya.

Kapag mayroong type 1 na diabetes ang iyong anak

Sa mga bata na may type 1 na diabetes, humihinto ang lapay sa paggawa ng insulin. Tinutunaw pa rin ang pagkain at ginagawang glucose. At pumupunta pa rin ang glucose sa mga selula. Ngunit kung walang insulin, hindi makakapasok ang glucose sa mga selula. Sa halip, naiipon ito sa dugo. Naglalagay ang atay ng mas maraming glucose sa dugo. Tinatawag na hyperglycemia (mataas na asukal sa dugo) ang napakaraming glucose sa dugo. Kung walang glucose, hindi nakukuha ng mga selula ng iyong anak ang enerhiya na kailangan niya. At sa paglipas ng panahon, maaaring magdulot ng iba pang problema sa kalusugan ang mataas na asukal sa dugo.

Closeup cross section ng daluyan ng dugo na malapit sa mga selula na ipinapakita ang Type 1 diabetes. Hindi nagagawa ang insulin. Hindi makapasok ang glucose sa mga selula at natitipon sa daloy ng dugo. Walang glucose ang selula para sa enerhiya.

Ano-ano ang sanhi ng type 1 na diabetes?

Hindi alam ang eksaktong sanhi ng type 1 na diabetes. Nangyayari ito kapag ang immune system ng katawan ay nagsimulang i-target ang mga selulang gumagawa ng insulin sa lapay. Alam natin na ito ay hindi sanhi ng pagkain ng sobrang asukal. Maaaring umiral sa pamilya ang type 1 na diabetes. O maaaring ang iyong anak ang tanging tao sa pamilya na mayroong type 1 na diabetes. Ang pinakamahalagang bagay na tatandaan ay hindi mo ito kasalanan. Walang bagay na ginawa mo o ng iyong anak na nagdulot ng kanyang diabetes. Maaaring magdulot ng type 1 diabetes ang pagkakaroon ng ilang partikular na gene o pagkakalantad sa ilang partikular na virus.

Inaprubahan ang bagong gamot para makatulong na maantala ang pagsisimula ng type 1 diabetes. Maaari itong isang opsyon para sa mga taong edad 8 at mas matanda na nasa mataas na panganib o may maagang mga palatandaan ng type 1 diabetes.

Ano-ano ang mga sintomas ng type 1 na diabetes?

Kapag humintong gumawa ng insulin ang lapay o gumagawa ng napakakaunting insulin, nagugutom sa enerhiya ang mga selula ng katawan. Maaari nitong gawing napapagod at nanghihina ang iyong anak. Maaaring makaramdam ang iyong anak o mayroong:

  • Labis na pagkauhaw

  • Madalas na pag-ihi

  • Malabong paningin

  • Pagkapagod nang walang malinaw na dahilan

  • Matinding pagkagutom

  • Mga pananakit ng ulo

  • Mga sintomas na tulad ng trangkaso

  • Pag-ihi sa kama

  • Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang

  • Hirap magpokus

  • Pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan

Paano nada-diagnose ang type 1 na diabetes?

Makakatulong ang mga simpleng pagsusuri ng dugo sa tagapangalaga ng kalusugan na malaman kung mayroong type 1 na diabetes ang iyong anak. Sinusuri ng mga pagsusuring ito ang mas mataas na lebel ng glucose sa dugo ng iyong anak. Maaaring kailanganing ulitin ang mga pagsusuri ng glucose para makumpirma ang diagnosis.

Maaari ding mag-utos ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba pang pagsusuri para kumpirmahin ang diagnosis. Kabilang sa mga pagsusuring ito ang mga antas ng substansiyang tinatawag na C-peptide at ilang antibodies sa dugo.

Paano ginagamot ang type 1 na diabetes?

Walang lunas para sa type 1 na diabetes. Ngunit maaari itong mapamahalaan. Hindi gumagawa ng sapat na insulin ang lapay ng iyong anak. Kaya kailangang ilagay ang insulin sa katawan ng iyong anak. Pinakamadalas na ibinibigay bilang turok ang insulin (iniksyon). Maaaring nakakatakot sa simula ang ideya ng pagbibigay ng mga turok sa iyong anak. Pero natutuklasan ng karamihang magulang at mga bata na mas madali ito kaysa sa inaakala nila. Ang mga insulin pen ay tumpak, madaling gamitin at halos hindi masakit, kahit para sa mga bata. Maaaring makagamit ang iyong anak ng insulin pump na tumutulong sa pagbibigay ng insulin. Sasabihin sa iyo ng tagapangalaga ng iyong anak kung paano suriin ang lebel ng asukal sa dugo ng iyong anak. Sinasabi nito kung gaano karaming insulin ang ibibigay sa iyong anak para panatilihin ang asukal sa dugo sa malusog na saklaw. Maaaring makagamit ang iyong anak ng tuluy-tuloy na monitor ng glucose para suriin ang antas ng kanyang asukal sa dugo.

Ano-ano ang mga pangmatagalang alalahanin?

Maaaring magkaroon ng mga problema sa kalusugan ang mga taong may lebel ng asukal sa dugo na napakataas sa loob ng maraming taon. Maaaring makaapekto ang mga problemang ito sa puso, mga mata, bato, at nerbiyo. Ikaw ay maaaring makatulong na maantala o mapigilan ang mga prpoblemang ito sa iyong anak. Para gawin ito, pamahalaan ang asukal sa dugo ng iyong anak ayon sa itinagubilin. Suportahan at maging halimbawang modelo ng isang malusog na pamumuhay. At turuan ang iyong anak sa paraang angkop sa edad kung paano pamahalaan ang kanyang diabetes. At, maging may kamalayan sa mga sintomas ng mga antas ng mababang asukal sa dugo (hypoglycemia) tulad ng pananakit ng ulo, pagkalito, bulol na pagsasalita, pamamawis, at pagkamainisin. Pag-aralan kung ano ang gagawin kapag may mababang asukal sa dugo ang iyog anak. Turuan ang iba pang tagapag-alaga (kabilang ang mga nasa paaralan o daycare ng iyong anak) para makatulong sila sa isang emergency. Ipasuot sa iyong anak ang medikal na ID na nagsasaad na mayroon siyang diabetes at kung sino ang kokontakin kung sakaling magkaroon ng emergency.

Ang honeymoon phase

Pagkatapos ng diagnosis, maaaring gumagawa pa rin ang lapay ng iyong anak ng kaunting insulin nang mag-isa. Tinatawag itong honeymoon phase. Sa panahong ito, maaaring pamahalaan ang asukal sa dugo ng iyong anak gamit ang labis na kaunting insulin. Maaaring tumagal ang honeymoon phase nang ilang buwan o maging mga taon. Dahil dito, maaari mong akalain na nawala na o nalunasan na ang diabetes ng iyong anak. Pero hindi ito ang kalagayan. Habang lumilipas ang panahon, hihinto ang lapay ng iyong anak na makagawa ng anumang insulin. Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tungkol sa pamamahala ng asukal sa dugo ng iyong anak sa panahon ng honeymoon phase.

Tandaan

Hindi ibinibigay ng pahinang ito ang lahat ng impormasyon na kailangan mo para alagaan ang iyong anak na may diabetes. Magtanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak para sa karagdagang impormasyon.

Paano nakaaapekto ang mga pang-araw-araw na isyu sa iyong kalusugan

Maraming bagay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang nakaaapekto sa iyong kalusugan. Kabilang dito ang transportasyon, mga problema sa pera, pabahay, access sa pagkain, at pag-aalaga ng anak. Kung hindi ka makapunta sa mga medikal na appointment, maaaring hindi ka makatanggap ng pangangalaga na kailangan mo. Kapag kulang ang pera, maaaring mahirap na mabayaran ang mga gamot. At maaaring maging mahirap na bumili ng masustansyang pagkain ang pagtira na malayo sa isang grocery store.

Kung mayroon kang mga alalahanin sa alinman sa mga ito o iba pang larangan, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may alam silang mga lokal na mapagkukunan upang tulungan ka. O maaaring mayroon silang tauhan na makatutulong sa iyo.

Online Medical Reviewer: Dan Brennan MD
Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Shaziya Allarakha MD
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer