Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

COPD: Mga Opsyon sa Operasyon ng Baga

Ang operasyon ay isang pagpipilian para sa ilang tao na may matinding COPD. Kabilang sa mga opsyon ang:

  • Bullectomy

  • Endobronchial valve system

  • Operasyon para bawasan ang napinsalang tisyu ng baga (LVRS)

  • Pag-transplant ng baga

Apat na tagapangalaga ng kalusugan na nakasuot ng mga togang pang operasyon, guwantes, mask at sambalilo na nagsasagawa ng operasyon.

Bullectomy

Maaari itong gawin sa isang taong may emphysema, isang uri ng COPD. Kapag may emphysema ang isang tao, lumaki ang mga air sac (alveoli) sa mga baga. Ang bullae ay napakalalaking air sac. Inaalis ng operasyong ito ang bullae. Pagkatapos, mas madali na ang paghinga.

Endobronchial valve system

Ginagamit ito upang gamutin ang mga problema sa paghinga sa mga taong may matinding emphysema. Ang systema ay ang unang minimally invasive device upang gamutin ang emphysema na available sa U.S. Inaprubahan ito ng FDA noong 2018. Gumagamit ito ng 1-way na mga balbula upang ihinto ang pagpasok ng hangin sa may sakit na mga air sac. At pinapayagan din nito na maihinga palabas ang hangin sa mga air sac na iyon. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para malaman kung isa ito sa iyong pagpipilian.

Operasyon para bawasan ang napinsalang tisyu ng baga (LVRS)

Ang LVRS ay isang operasyon na tumutulong sa mga taong may malubhang emphysema na nakakaapekto sa itaas na mga lobe ng baga. Hindi panlunas ang LVRS para sa COPD. Ngunit maaari nitong mapabuti ang iyong kapasidad sa pag-ehersisyo at kalidad ng buhay. Sa panahon ng LVRS, inaalis ang bahagi ng 1 o parehong baga. Lumilikha ito ng mas maraming espasyo para sa malulusog na bahagi ng mga baga. Pagkatapos, mas madali na ang paghinga. 

Operasyon sa pag-transplant ng baga

Kung minsan, maaaring magdulot ang COPD ng malubhang pinsala sa mga baga. At hindi gumagana nang normal ang mga baga. Maaaring isaalang-alang ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa pag-transplant ng baga kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Hindi na maaayos ang pinsala sa baga

  • Nagkaroon ka ng 3 o higit pang pag-atake sa nakalipas na taon

  • Hindi isang pagpipilian para sa iyo ang LVRS

Sa panahon ng pag-transplant ng baga, inaalis ang 1 o parehong baga na hindi malusog at pinapalitan ng mga baga mula sa isang donor. Malaking hamon ang pagkakaroon ng donor ng mga available na organ. Pagkatapos ng pag-transplant ng baga, dapat uminom ang pasyente ng gamot upang maiwasan na tanggihan ng katawan ang mga bagong baga. Maingat na sinusuri ang mga pag-transplant ng baga para sa mga taong may COPD. 

Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para malaman kung ang operasyon ay isa sa iyong pagpipilian.

Online Medical Reviewer: Chris Southard RN
Online Medical Reviewer: Rajadurai Samnishanth Researcher
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 3/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer