Pamamahala ng Diabetes: Ang A1C Test
Tumutulong sa iyo ang paggamit ng glucose monitor na subaybayan ang antas ng iyong asukal sa dugo araw-araw. Pero ipinakikita lamang sa iyo ng iyong glucose monitor ang antas ng iyong asukal sa dugo sa oras na sinuri mo ito. Mahalagang malaman kung kinokontrol ng iyong pangkalahatang plano ng paggamot ang iyong mga lebel ng asukal sa dugo sa paglipas ng panahon. Tutulong ito na maiwasan ang mga komplikasyon at manatili kang malusog. Maaaring gawin ang ganitong uri ng pagsubaybay sa asukal sa dugo gamit ang pagsusuri sa dugo na A1C.
Ano ang A1C test?
Maaaring ipakita ng hemoglobin A1C blood test ang antas ng iyong asukal sa dugo sa paglipas ng panahon. Tinatawag din itong glycated hemoglobin test. Sinusukat sa pagsusuring ito ang iyong average na lebel ng asukal sa dugo sa nakalipas na 2 o 3 buwan. Nangangahulugan ang mas mataas na resulta ng A1C na tumaas ang iyong asukal sa dugo. Nangangahulugan ito na maaaring mayroon kang mas mataas na panganib ng mga komplikasyon mula sa diabetes.
Ang A1C ay isang pagsusuri ng dugo na ginagawa ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Kung minsan, ginagamit ang A1C test bilang isang screening tool. Nangangahulugan ito na ginagamit ito upang makita kung ang isang tao ay may prediabetes o diabetes. Mas madalas itong ginagamit upang makita kung gaano kahusay mong pinamamahalaan ang iyong asukal sa dugo. Malamang na magkaroon ka ng A1C test bawat 3 hanggang 6 na buwan.
 |
Malulusog na pulang selula ng dugo na may ilang glucose na nakadikit sa mga ito. |
 |
Kapag mataas ang iyong asukal sa dugo, mas marami pang dumidikit na glucose sa mga pulang selula ng dugo. Ito ang sinusukat ng A1C test. |
Ang iyong mithiin sa glucose sa dugo
Maaaring ipakita ang iyong resulta ng A1C bilang isang porsiyento. O maaaring isa itong numero na tinatayang Average Glucose (eAG). Ang eAG ay isang numero na mas kagaya ng mga nakikita mo sa iyong pang-araw-araw na glucose monitor. Parehong sinusukat ng A1C at eAG ang dami ng glucose sa protina sa mga pulang selula ng dugo. Tinatawag na hemoglobin ang protina. Sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ano ang dapat mong mithiin sa A1C o eAG. Magdedepende ang iyong numero ng mithiin sa iyong edad, pangkalahatang kalusugan, at iba pang dahilan. Kung sobrang mataas ang iyong numero, maaaring kailanganing baguhin ang iyong plano ng paggamot. Maaaring kailanganin mo ang iba't ibang gamot. Maaari mong kailanganing gumawa ng mas maraming pagbabago sa iyong diyeta o gawi sa pag-eehersisyo.
Halimbawa ng mga mithiin
Ang mithiin para sa karamihang adulto na may diabetes ay A1C na mas mababa sa 7%. Iyon ay eAG na mas mababa sa 154 mg/dL. Ngunit maaaring nakadepende sa maraming bagay ang iyong personal na layunin. Kabilang sa mga ito ang iyong edad at iba pang kondisyon ng kalusugan. Makipagtulungan sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para magtakda ng sarili mong personal na layunin sa A1C.
Online na glucose calculator
Maaari kang pumunta sa website ng American Diabetes Association para sa tsart na tumutulong na gawin ang porsiyento ng iyong A1C sa isang numero na eAG. Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung hindi tumutugma ang eAG sa mga numero ng asukal sa dugo mula sa iyong glucose monitor. Maaaring may ilang dahilan para dito. Masasabi sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang marami pa. Halimbawa, maaaring kailanganin mong suriin ang iyong asukal sa iba't ibang oras ng araw.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.