Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tagubilin sa Pag-discharge: Pagbibigay sa Iyong Sarili ng Intramuscular (IM) na Iniksyon sa Hita

Niresetahan ka ng gamot ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na dapat ibibigay sa pamamagitan ng intramuscular (IM) iniksyon. Nangangahulugan ito na gumagamit ka ng isang karayom at hiringgilya upang magpadala ng gamot sa malalaking kalamnan sa iyong katawan. Kadalasang itinuturok ito sa hita, balakang, o sa itaas ng braso. Kung kailangan mong madalas na turukan ang iyong sarili, kailangan mo itong iturok sa ibang bahagi sa iyong hita sa bawat pagkakataon. Tumutulong ito na maiwasan ang mga pilat at mga pagbabago sa balat. Ang mga lugar ng iniksyon ay dapat hindi bababa sa 1 pulgada ang layo mula sa isa't isa. Magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailangan mong iturok ang gamot sa isang partikular na bahagi.

Ipinakita sa iyo kung paano gagawin ang pagtuturok ng IM sa ospital. Kung hindi ka nakakuha ng sheet para sa tagubilin para sa mga pangkalahatang hakbang, humingi nito. Ang sheet na ito ay tungkol sa kung paano ituturok ang IM sa hita.

Pangalan ng iyong gamot:

_________________________________.

Halaga kada iniksyon:

_________________________________.

Ilang beses kada araw: 

_________________________________.

Bilang ng mga araw na kakailanganin ang mga iniksyon:

__________________________________.

Hakbang 1. Paghahanda

  • Hugasang mabuti ang iyong mga kamays gamit ang sabon at malinis at dumadaloy na tubig o gumamit ng may alkohol na panlinis ng kamay bago at pagkatapos ng lahat ng pag-iiniksyon ng IM.

  • Ihanda ang iyong mga gamot ayon sa ipinakita ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Hakbang 2. Paghanap sa lugar ng iniksyon

Hahanapin mo ang isang bahagi sa iyong hita bilang isang mahabang parihaba. Maaari kang magturok ng IM sa iyong sarili sa ilang bahagi sa loob ng parisukat. Upang gawin ito:

  • Ilagay ang iyong palad sa ibabaw ng iyong hita kung saan ito tumatagpo sa iyong singit. (Kung nagtuturok sa iyong kanang hita, gamitin ang iyong kanang kamay. Kung nagtuturok sa iyong kaliwang hita, gamitin ang iyong kaliwang kamay.) Ang bahagi sa ibaba ng iyong kamay ay nasa itaas ng parihaba.

  • Pagkatapos, ilagay ang iyong palad sa ibabaw ng iyong tuhod. Ang bahagi na nasa itaas ng iyong kamay ay ang ilalim ng parihaba.

  • Ngayon, isipin ang isang linya pababa sa gitna ng ibabaw ng iyong hita. Ito ay isang mahabang gilid ng parihaba.

  • Pagkatapos, isipin na may isa pang linya sa labas ng iyong hita. Ito ang kabilang mahabang gilid ng parihaba.

  • Ngayon, isipin na may isang linya pababa sa gitna ng iyong parihaba. (Dumidiretso ang linyang ito pababa mula sa iyong balakang papunta sa iyong tuhod.) Kahit saan sa linyang ito ay pinakamahusay na lugar para mag-iniksyon. (Tingnan ang larawan sa ibaba.)

Ipinakikita ng outline front view ng ibabang katawan, balakang, at hita ang mga buto ng pelvic at binti. Kamay na nakabuka ang mga daliri at nakataob ang palad sa ibabaw ng hita kung saan nagtatagpo ang hita at katawan. Naka-shade na parisukat sa ibaba ng kamay at itaas ng tuhod, papunta sa gilid ng binti.

Hakbang 3. Pag-iniksiyon ng gamot

Ihanda ang bahagi katulad ng ipinakita ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Tingnan ang sheet ng pangkalahatang tagubilin sa pagtuturok sa iyong sarili ng IM na iniksyon. Kung hindi ka nakakuha ng ganitong sheet, humiling nito. Pagkatapos:

  • Iunat nang mahigpit ang iyong balat.

  • Hawakan ang hiringgilya kagaya ng isang lapis. Itusok ang karayom direkta sa iyong balat at sa kalamnan sa anggulo na 90-degree.

  • Maaaring sabihan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na bahagyang hilalin ang plunger. Ito ay para makasiguro na wala ang karayom sa daluyan ng dugo. Kung may makitang dugo sa hiringgilya, alisin ang karayom at huwag iturok ang gamot. Maaari itong pumunta sa daluyan ng dugo at hindi sa kalamnan. Itapon ang karayom at hiringgilya sa isang lalagyan ng matutulis na bagay at ulitin ang proseso sa ibang bahagi ng iyong hita.

  • Upang iturok ang gamot, itulak ang plunger sa di-nagbabagong bilis.

  • Magbigay ng hindi bababa sa 5 mL ng gamot sa bahaging ito. Kung ang iniresetang dosis ay higit sa 5 mL, maaaring kailangan mong hatiin ang gamot sa 2 dosis. Pagkatapos, magtuturok ka ng 2 iniksyon sa 2 magkaibang bahagi sa iyong hita.

Hakbang 4. Pagtatanggal sa karayom

  • Alisin ang karayom at hiringgilya palayo sa iyong katawan.

  • Bitiwan ang iyong balat.

Hakbang 5. Pagkatapos ng iniksyon

  • Idiin ang gasa sa bahagi.

  • Hawakan nang mahigpit ang gasa sa loob ng isang minuto.

  • Tingnan ang lugar para sa pamumula, pagdurugo, o pagkapasa.

  • Maglagay ng benda sa lugar, kung kinakaikalangan.

  • Ilagay ang karayom at hiringgilya sa sisidlan ng matatalas na bagay.

  • Itapon ang mga ginamit katulad ng ipinakita ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Hugasang mabuti ang iyong mga kamay.

Dapat gamitin ang gamot na nasa isang lalagyan para sa isahang dosis nang 1 beses lamang. Kung ginamit mo ito nang dalawang beses, maaaring mayroon itong mga mikrobyo na magdudulot ng mga impeksiyon. Kadalasang nakaaapekto ang mga impeksiyong ito sa balat at sa malalambot na tisyu. Ngunit maaaring makaapekto sa utak, gulugod, o puso ang ilang impeksiyon. Ang paghiram ng mga ginamit na karayom o gamot ng ibang tao ay maaaring maging sanhi ng ibang impeksiyon, tulad ng hepatitis B, hepatitis C, at HIV.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo.

Kailan hihingi ng medikal na pangangalaga

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Mga problema na pumipigil sa iyo na bigyan ang iyong sarili ng iniksyon

  • Napuputol na karayom sa bahagi ng iniksyon

  • Gamot na itinurok sa maling bahagi

  • Hindi tumitigil na pagdurugo sa bahagi ng iniksyon

  • Matinding kirot, pantal, o pamamaga sa bahagi ng iniksyon

  • Kakapusan sa hininga

  • Lagnat na 100.4° F ( 38°C ) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

  • Ginaw

Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals RN BSN MPH
Online Medical Reviewer: Paula Goode RN BSN MSN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer