Osteoarthritis: Mga Iniksyon at Operasyon
 |
Makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ukol sa iyong mga opsyon ng gamutan. |
Maaaring makatulong ang mga iniksyon o operasyon kung mayroon kang kirot o mga problema sa paggalaw mula sa osteoarthritis na matinding nililimitahan ang iyong mga gawain. Masasabi sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang marami pa tungkol sa kung paano makatutulong ang mga pagpipiliang ito sa paggamot. Masasabi rin nila sa iyo ang tungkol sa mga panganib ng mga ito at mga komplikasyon.
Mga iniksyon
Maaaring direktang iturok ang gamot sa apektadong kasukasuan. Ilang minuto ang itatagal ng mga turok na ito at ginagawa sa opisina ng iyong tagapangalaga ng kalusugan:
-
Mga iniksyon na corticosteroid o steroid. Maaaring paginhawahin ng mga turok na ito ang pamamaga at kirot. Itinuturok ang gamot sa kasukasuan—halimbawa, sa tuhod o balakang. Talagang may mga panganib ang mga iniksyong steroid. Kaya nililimitahan ng mga tagapangalaga ang bilang ng mga iniksyong ginagamit sa anumang 1 kasukasuan na hindi hihigit sa 3 o 4 na turok bawat taon para sa bawat kasukasuan na nagdadala ng bigat. Kahit ang daming ito ay maaaring makapinsala sa kartilago kung ang mga turok ay ginagawa nang regular.
-
Mga iniksyon na pandagdag ng pampadulas. Gumagamit ang mga turok na ito ng hyaluronic acid, isang substansya na katulad ng natural na nakikita sa kasukasuan. Maaari itong makatulong sa kasukasuan na gumana nang mas maayos. Ngunit walang napakaraming ebidensya na magpapatunay na nakakatulong ang mga ito Ang mga iniksyon na ito ay para lamang sa banayad hanggang katamtamang osteoarthritis (OA) ng mga tuhod. Ginagamit ang mga ito sa mga taong hindi tumugon sa mga konserbatibong paggamot na hindi gamot, mga pain reliever, o pinagsama ang pareho.
Operasyon
Kabilang sa mga pagpipiliang operasyon ang:
-
Arthroscopy. Tinitingnan ng surihano ang at nagtatrabaho sa loob ng kasukasuan gamit ang maliliit na kagamitan na inilalagay sa pamamagitan ng napakaliliit na hiwa (incisions). Pinakikinis ang cartilage. Inaalis ang anumang piraso ng cartilage na nasira.
-
Pagpapalit ng kabuuang kasukasuan. Inaalis ang buong kasukasuan. Pinapalitan ito ng isang artipisyal na kasukasuan gamit ang metal, ceramic, o plastic. Pinakamadalas itong ginagawa sa kasukasuan ng tuhod o balakang.
-
Ibang pag-opera. Mayroong iba pang pamamaraan ng pag-opera na partikular sa ilang kasukasuan. Halimbawa, maaaring gawin sa kasukasuan ng balakang ang joint resurfacing.
Online Medical Reviewer:
Dan Brennan MD
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Date Last Reviewed:
3/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.