Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Paraan sa Pamamahala ng Stress

Mayroong ilang paraan sa pamamahala ng stress. Una, matutong kilalanin kung nai-stress ka at kung ano ang nagti-trigger o nagsisimuka nito. Susunod, humanap ng mga positibong paraan ng pagtugon sa mga trigger mo. Siguraduhing alagaan nang mabuti ang iyong kalusugan at maglaan ng oras para magrelaks. Magbasa para matuto pa tungkol sa mga paraan sa pamamahala ng stress.

Pagkilala sa stress

Matutong kilalanin ang iyong stress at alamin kung ano ang mga nagsisimula nito. Para gawin ito, subukang alamin ang iyong nararamdaman bawat araw. Maaaring tumutugon ang iyong katawan sa stress kung mapapansin mong bumibilis ang tibok ng iyong puso o naninigas ang iyong mga kalamnan. Itanong sa iyong sarili kung bakit. Pagkatapos, isulat ang iyong sagot. Gumawa ng isang listahan ng lahat ng bagay na nagsisimula ng mga nakababahalang damdamin para manatiling nagpapatuloy ang proseso.

Pamumuhay ng malusog

Tinutulungan kang harapin nang mas mahusay ang stress ng pagpapanatiling malusog ang iyong sarili. Nangangahulugan ito ng pagtulog nang sapat, pagkain ng tama, at pag-eehersisyo. Nangangahulugan din ito ng pag-alam kung ano ang pinakapinahahalagahan mo sa buhay, at paglalaan ng oras para sa iyong sarili. Panatilihin ang isang pang-araw-araw na journal na pangkalusugan upang makita kung ginagawa mo ang mga bagay na ito. Pagkatapos, basahin ang iyong journal bawat linggo. Kung hindi mo iingatan ang iyong sarili, maaaring mas ma-stress ka.

Mas mahusay na pagtugon sa stress

Ang buhay ay puno ng mga nagdudulot ng stress na hindi mo kayang kontrolin. Ngunit matututo ka ng marami pang positibong paraan ng pagtugon sa mga ito. Makatutulong ito sa iyo na makaramdam na mas may kontrol ka. Para magsimula, subukan ang payong ito: Isipin ang tungkol sa kung gaano karaming pagsisikap ang gusto mong gawin sa pagharap sa isang tiyak na nagdudulot ng stress. Kailangan mo ba talagang kontrolin ang nagdududlot ng stress na iyon? Kung gayon, magpasya sa pinakamahusay na paraan upang gawin ito. Baguhin ang iyong makakaya. Ngunit kung hindi mahalaga ang nagdudulot ng stress, o wala ito sa iyong kontrol, bakit mag-aalala tungkol dito?

Pagpapahinga upang magdahan-dahan

Babaeng nagpapahinga sa upuan na nakataas ang mga paa.

Makatutulong ang pagpapahinga upang maiwasan o mapawi ang mga nakababahalang damdamin. Maaaring makatulong din ang payong ito: Kung nahaharap ka sa isang nagdudulot ng stress, subukang huminto sandali. Huminga nang malalim at dahan-dahang ibuga ang hininga habang bumibilang ka hanggang 10. Makatutulong ito na gawing malinaw ang iyong isipan upang mas mahusay kang makatutugon sa stress.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer