Dyabetis: Mga Pakinabang ng Ehersisyo
Ang ehersisyo ay maaaring magpababa ng sugar sa dugo at makatulong na kontrolin ang timbang at pagandahin ang iyong pakiramdam. Maaari din nitong pagandahin ang daloy ng iyong dugo, presyon ng dugo at ang kalusugan ng puso. Kahit ang isang maliit na dami ng regular na aktibidad ay magkakaroon ng malaking epekto sa iyong kalusugan.
Ano ang Maitutulong ng Ehersisyo?
-
Sugar sa dugo: Ang regular na ehersisyo ay pinapabuti ang pagkontrol sa sugar sa dugo sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong katawan na magamit ang insulin.
-
Mental at emosyonal na kalusugan: Ang pisikal na aktibidad ay nakapagpapaginhawa ng stress at nakakatulong na patulugin ka ng maayos.
-
Kalusugan ng puso: Sa regular na ehersisyo, maaari mong bawasan ang iyong panganib ng sakit sa puso at mataas na presyon ng dugo. Maaari ring mapabuti ang lebel ng iyong kolesterol at triglycerides.
-
Timbang: Ang ehersisiyo ay nakakatulong sa iyo na magbawas ng taba, magtamo ng kalamnan at makontrol ang iyong timbang.
-
Kalusugan ng mga daluyan ng dugo at nerbiyo: Ang aktibidad ay nakakatulong na babaan ang sugar sa dugo. Tumutulong ito na maiwasan ang pinsala sa mga daluyan ng dugo at nerbiyo na maaaring maging sanhi ng problema sa iyong utak, mata, paa at mga binti.
-
Pananalapi: Kung napapamahalaan mo ang iyong sugar sa dugo, ikaw ay maaaring gumastos ng mas maliit para sa medikal na pangangalaga.
Dalawang Uri ng Ehersisyo
May dalawang uri ng ehersisyo na makakatulong sa iyong katawan na gamitin ang sugar sa dugo. Minumungkahi ng mga eksperto ang parehong uri ng ehersisyo para sa mga taong may dyabetis.
-
Aerobic na ehersisyo. Ito ay isang maindayog, paulit-ulit, at patuloy na paggalaw ng mga malalaking grupo ng kalamnan ng hindi bababa sa 10 minuto sa isang beses. Ang mga halimbawa nito ay paglalakad, pagbibisikleta, jogging, paglangoy, water aerobics at madami pang sports.
-
Resistance exercise (pagsasanay ng lakas). Ang uri ng ehersisiyong ito ay gumagamit ng mga kalamnan upang galawin ang mga timbang o gumawa ng salungat sa resistance. Maaari mo itong gawin gamit ang free weights, mga makina, resistance tubing o ang iyong sariling timbang.
Ang Layunin na Dapat Makuha
Ang iyong pangunahing layunin ay ang maging mas aktibo. Kahit na kakaunti ay makakatulong. Pumili ng aktibidad na iyong nais. Ang paglalakad ay isa sa mainam na uri ng ehersisyo na magagawa ng lahat. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa anumang limitasyon na maaaring mayroon ka bago magsimula sa isang programang pang-ehersisyo. Pagkatapos ay maglayon ng 30 minuto ng aktibidad madalas araw ng linggo.
Paggawa ng Aktibidad sa Iyong Araw
Ang pagiging mas aktibo ay hindi kinakailangan na maging mabigat na trabaho. Subukan ang mga ito upang makakuha ng mas maraming aktibidad sa iyong araw:
-
Gamitin ang hagdan sa halip na elevator
-
Paghahardin, paggawa ng gawaing bahay o paggawa sa garahe
-
Pumili ng lugar ng paradahan na malayo sa tindahan
-
Maglakad upang makipag-usap sa isang katrabaho sa halip na tumawag
-
Gumawa ng 10-minutong paglakad sa paligid ng kalye tuwing tanghalian
-
Maglakad patungo sa hintuan ng bus na medyo malayo sa iyong bahay o opisina
-
Ilakad ang alagang aso pagkatapos ng hapunan
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Robert Hurd MD
Date Last Reviewed:
11/1/2019
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.