Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa mga Problema Sa Paningin

Cross section ng mata na ipinakikita ang liwanag na nagfo-focus sa retina.
Normal
Normal

Nakikita ng iyong mga mata ang mga bagay bilang liwanag. Ipino-focus ng iyong cornea ang mga sinag ng liwanag sa isang layer na nakalinya sa likod ng iyong mata (ang retina). Kung normal ang iyong mga mata, gagawa ang prosesong ito ng naka-focus na larawan sa iyong retina. Gagawin nitong mukhang malinaw ang mga bagay.

Cross section ng mata na ipinakikita ang liwanag na nagfo-focus sa harap ng retina.
Nearsighted
Nearsighted

Masyadong magkalayo ang iyong cornea at retina kung nearsighted ka. Kung minsan mayroong abnormal na hugis ang iyong cornea o ang iyong mga lente. Ginagawa nito ang mga sinag ng liwanag mula sa malayong bagay na mag-focus sa harap ng iyong retina. Pagkatapos ay nagmumukhang malabo ang mga bagay na ito.

Cross section ng mata na ipinakikita ang liwanag na nagfo-focus sa likod ng retina.
Farsighted
Farsighted

Masyadong malapit sa isa’t isa ang iyong cornea at retina kung farsighted ka. Kung minsan mayroong mga abnormal na hugis ang iyong cornea o ang iyong lente. Ginagawa nito ang mga sinag ng liwanag mula sa mga malalapit na bagay na mag-focus sa likod ng iyong retina. Pagkatapos ay nagmumukhang malabo ang mga bagay na ito.

Cross section ng mata na ipinakikita ang liwanag na nagfo-focus sa mahigit isang lugar.
Astigmatism
Astigmatism

Kung minsan hindi pantay ang kurba ng iyong cornea o abnormal na nakakurba ang lente sa loob ng iyong mata. Kung gayon, ang mga sinag ng liwanag ay hindi maka-focus nang pantay-pantay sa iyong retina. Tinatawag itong astigmatism. Ginagawa nitong malabo ang parehong malalapit at malalayong bagay.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Todos los derechos reservados. Esta información no pretende sustituir la atención médica profesional. Sólo su médico puede diagnosticar y tratar un problema de salud.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer