Sentrong Linya (Central Venous Access Device)
Kailangan mo ng sentrong linya bilang bahagi ng iyong paggamot. Tinatawag din itong central venous access device o central venous catheter. Ang isang maliit, malambot na tubo na tinatawag na catheter ay inilalagay sa isang malaking ugat na papunta sa iyong puso. Kapag hindi mo na kailangan ang sentrong linya, ito ay aalisin. Ang iyong balat ay gagaling pagkatapos. Inilalarawan ng sheet na ito ang mga uri ng sentrong linya. Ipinapaliwanag din nito kung paano inilalagay ang sentrong linya sa iyong katawan.
 |
Maaaring may higit sa 1 lumen (channel) ang catheter. Ibig sabihin nito na maibibigay ang iba't ibang likido o gamot nang magkakasabay. |
Ano ang ginagawa ng sentrong linya
Ang sentrong linya ay madalas na ginagamit kaysa isang karaniwang IV (intravenous) na linya kapag kailangan mo ng paggamot nang mas higit sa isang linggo o higit pa. Maaari rin itong inilagay dahil ang ilang mga gamot ay hingi ligtas na ilagay sa mas maliliit na ugat sa kamay o braso. Ang linya ay maaaring maghatid ng gamot, likido, o nutrisyon diretso sa iyong daluyan ng dugo. Maaari rin itong gamitin upang sukatin ang daloy ng dugo (hemodynamic na pagsubaybay), upang kumuha ng dugo, o para sa iba pang mga kadahilanan. Tanungin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung bakit kailangan mo ang sentrong linya at kung anong uri ang kukunin mo.
Mga uri ng gitnang linya
Ang gitnang linya ay ilalagay sa 1 sa mga ugat tulad ng inilarawan sa ibaba. Kung aling ugat ang gagamitin ay depende sa iyong mga pangangailangan at pangkalahatang kalusugan. Ang catheter ay ilalagay sa ugat. Ito ay idadaan hanggang sa ang tip ay naka-abot sa malaking ugat malapit sa puso (vena cava). Ang mga uri ng sentrong linya ay kasama ang:
-
Peripheral na inilagay na sentrong catheter. Ang linyang ito ay inilalagay sa isang malaking ugat sa itaas na braso, o malapit sa liko ng siko.
-
Subclavian na linya. Ang linyang ito ay inilalagay sa ugat na tumatakbo sa likod ng collarbone.
-
Panloob na jugular na linya. Ang linyang ito ay inilalagay sa isang malaking ugat sa leeg.
-
Femoral na linya. Ang linyang ito ay inilalagay sa isang malaking ugat sa singit.
Paglalagay ng sentrong linya
Ang sentrong linya ay inilalagay sa iyong katawan sa isang maikling pamamaraan. Ito ay maaaring gawin sa iyong silid sa ospital, sa emergency department, o sa isang operating room. Masasabi sa iyo ang iyong pangkat ng pangangalaga kung ano ang aasahan. Sa panahon ng paglalagay ng semtrong linya:
-
Ikaw ay ganap na sakop ng isang malaking sterile sheet. Tanging ang lugar kung saan ilalagay ang linya ang nakalantad. Ang balat ay nililinis ng antiseptikong solusyon. Ang mga hakbang na ito ay nagpapababa ng panganib para sa impeksyon.
-
Gamot (lokal na anestetko) ay iniksyon malapit sa ugat. Pinapamanhid nito ang balat upang hindi ka makaramdam ng sakit sa panahon ng pamamaraan.
-
Pagkatapos magsimulang gumana ang gamot sa pananakit, ang catheter ay dahan-dahang ipapadaan sa ugat. Ito ay tinutulak ng pasulong hanggang ang dulo ng catheter ay nasa vena cava, malapit sa puso. Ito ay karaniwang ginagawa sa tulong ng isang ultrasound machine. Nakakatulong ang ultrasound machine na tingnan ang ilalim ng balat. Tinutulungan nito ang provider na gabayan ang catheter papunta sa ugat nang walang pananakit ng ibang mga tisyu o organo.
-
Ang kabilang dulo ng catheter ay umaabot ng ilang pulgada mula sa iyong balat. Maaaring maluwag itong nakakabit sa balat na may mga tahi upang hawakan ito sa maayos na lugar.
-
Ang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay pina-flush ang catheter ng saline solution para malinis ito. Ang solusyon ay maaaring may kasamang heparin. Pinipigilan nito ang mga pamumuo ng dugo.
-
Ang isang X-ray o iba pang imaging na pagsusuri ay ginawa. Ito ay nagpapahintulot sa provider na kumpirmahin ang posisyon ng catheter at suriin para sa mga problema.
Mga panganib at posibleng mga komplikasyon
Tulad ng anumang pamamaraan, ang pagkakaroon ng sentrong linya na inilagay ay may ilang mga panganib. Kabilang dito ang:
-
Impeksyon.
-
Problema sa pagdurugo. Ito ay may posibilidad na mangyari nang mas madalas kung ang isang arterya ang nabutas sa halip na isang ugat. Ngunit maaari itong mangyari mula rin sa pagbutas ng ugat.
-
Isang hindi regular na tibok ng puso.
-
Pinsala sa ugat o sa mga lymph duct na malapit sa ugat.
-
Pamamaga ng ugat (phlebitis).
-
Bula na hangin sa dugo (air embolism). Ang isang air embolism ay maaaring maglakbay sa mga daluyan ng dugo at harangan ang pagdaloy ng dugo sa puso, baga, utak, o iba pang mga organo.
-
Pamumuo ng dugo (thrombus) na maaaring hadlangan ang daloy ng dugo. Ang isang namuong dugo ay maaari ring maglakbay sa pamamagitan ng mga daluyan ng dugo. Maaari nitong harangan ang daloy ng dugo sa puso, baga (pulmonary embolism), utak, o iba pang mga organo.
-
Bumagsak na baga (pneumothorax) o pagtitipon ng dugo sa pagitan ng mga baga at pader ng dibdib (hemothorax).
-
Pinsala sa nerbiyo.
-
Hindi sinasadyang pagpasok sa isang arterya sa halip sa isang ugat.
-
Hindi nakaposisyon ang catheter ng tama.
Kung mayroon kang anumang mga problema sa iyong sentrong linya, makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
Pagtanggal
Kapag kumpleto na ang iyong paggamot, maaaring ligtas ng alisin ang linya. Lilinisin ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang lugar kung saan ipinasok ang linya. Puputulin ng provider ang anumang mga tahi na humahawak sa linya sa balat at pagkatapos ay dahan-dahang hihilahin ang linya palabas hanggang ang buong linya ay matanggal mula sa iyong katawan. Maglalagay ng pressure ang provider sa bahagi ng pag-aalis sa loob ng isang minuto o mas matagal pa at pagkatapos ay malamang na lagyan ito ng benda. Susuriin ng provider ang linya upang matiyak na ito ay buo at, depende sa uri ng linya, na maaaring sukatin ito.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.