Mga Palatandaan ng Jaundice
Ang jaundice ay isang salitang ginagamit upang ilarawan ang madilaw na pagbabago ng kulay na nabubuo sa balat dahil sa pagkaipon ng bilirubin. Sa panahon ng bagong silang, pinakamadalas itong isang pansamantalang kondisyon na nangyayari kapag kulang pa sa gulang ang atay ng bagong silang na sanggol at hindi pa kayang tulungan ang katawan na alisin ang bilirubin. Ang bilirubin ay isang substansay na matatagpuan sa mga pulang selula ng dugo. Maaari itong maipon pagkatapos isilang bilang resulta ng normal na pagkasira ng mga pulang selula ng dugo. Kung masyadong tumaas ang mga antas ng bilirubin, maaari maging mapanganib ang mga ito sa umuunlad na utak at nervous system ng iyong sanggol. Kaya mahalagang tingnan ang mga sanggol na may mga palatandaan ng jaundice upang masigurong hindi maging mapanganib ang antas ng bilirubin. Normal ang isang kulang sa gulang na atay sa ganitong yugto ng paglaki ng iyong sanggol. Mabilis nitong sisimulang tanggalin ang bilirubin mula sa katawan. Halos kalahati ng lahat ng bagong silang ang nagpapakita ng ilang palatandaan ng jaundice, tulad ng dilaw na balat o mata.
Anong ang dapat bantayan
Kung may jaundice ang isang sanggol, maninilaw ang balat at mga puti ng mga mata. Marahang pindutin ang noo ng iyong sanggol gamit ang iyong daliri sa loob ng ilang segundo, at tanggalin. Mas pinapadali nitong makita ang dilaw sa ilalim ng kulay ng balat ng iyong anak. Kadalasan itong nagpapakita 3 hanggang 4 na araw matapos ang pagsilang. Lalo nang nasa panganib ang mga sanggol na kulang sa buwan.
Ano ang gagawin
 |
Tumutulong ang madalas na pagpapasuso para magamot ang jaundice. |
Laging tawagan ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung nakikita mo ang alinman sa mga palatandaan ng jaundice. Sa ilang kaso, maaari itong maging malubha at maaaring magbanta sa kalusugan ng isang sanggol. Maaaring irekomenda ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang:
-
Madalas na pagpapasuso sa iyong sanggol. Ibig sabihin nito na hindi bababa sa 8 hanggang 10 beses bawat 24 na oras. Kung hindi ka nagpapasuso, makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol tungkol sa kung gaano karaming gatas na pormula ang dapat mong ipainom sa iyong sanggol.
-
Paggamot sa jaundice gamit ang mga espesyal na ilaw (phototherapy) sa tahanan o sa ospital. Masasabi sa iyo ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol ang higit pa tungkol sa phototherapy kung kinakailangan ito.
Kailan tatawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak
Tawagan ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Kumakain nang mas kaunti ang iyong sanggol.
-
Mukhang mas inaantok ang iyong sanggol at mahirap gisingin.
-
May temperatura ang iyong sanggol na 100.4°F (38°C) o mas mataas pa o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan
-
Mas kaunti ang mga basang lampin ng iyong sanggol.
-
Umiiyak ang iyong sanggol at hindi mapatahan.
-
May madilaw na balat ang iyong sanggol o dilaw sa mga puti ng kanyang mga mata.
-
Nagpatingin na ang iyong sanggol sa kanyang tagapangalaga ng kalusugan para sa jaundice. Ngunit lumipat na ngayon ang dilaw na kulay sa ibaba ng pusod. Kadalasang lumilipat ang jaundice mula ulo patungong daliri ng paa habang tumataas ang antas.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.