Pakikipaglaban sa Colic
Umiiyak ba ang iyong sanggol nang walang tigil sa karaniwang oras ng araw? Kung hindi siya mapatahan, maaaring mayroong colic ang iyong sanggol. Karaniwang humihinto ang ganitong kondisyon sa loob ng 3 hanggang 4 na buwan. Ngunit maaari itong tumagal hanggang sa edad na 6 na buwan. May tendensiya na kusang nawawala ang colic. Walang sinuman ang nakatitiyak kung ano ang sanhi ng colic. Alam ng mga eksperto na hindi ito palatandaan na ayaw sa iyo ng iyong anak o minamanipula ka. At hindi ito tungkol sa anumang ginagawa mong mali.

Huwag mag-alala tungkol sa pagpapalayaw sa iyong bagong silang na sanggol
Nagdadala ng natatanging kapanatagan sa isang sanggol ang pakiramdam at amoy ng isang magulang. Madarama ng iyong sanggol na hindi siya nag-iisa sa pamamagitan ng paghawak sa kanya. Subukan ang mga payong ito kapag umiiyak ang iyong sanggol:
-
Magpatugtog ng musika at gumalaw. Kumanta at umindayog.
-
Hayaan ang iyong sanggol na hawakan o sipsipin ang iyong daliri.
-
Alukin ng pacifier.
-
Ibalot nang maayos ang iyong sanggol sa isang manipis na kumot.
-
Maaaring mapahinto ng pagpapakain ang pag-iyak ng bagong silang na sanggol. Kung 2 oras na mula nang magsimula ang huling pagpapakain, maaari mo nang subukang mag-alok ng pagpapakain.
-
Manatiling kalmado. Maaaring maramdaman ng sanggol ang iyong mood.
Kapag hindi tumitigil ang mga pag-iyak
-
Kung nag-aalala ka na labis ang pag-iyak ng iyong sanggol o maaaring colic, tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol. Maaari niyang tingnan ang iyong sanggol at mag-alok ng mga mungkahi at suporta.
-
Kalungin ang iyong sanggol gamit ang isang sakbat o sa unahan. Sundin ang mga tagubilin ng tagapagmanupaktura, at tiyakin na ang ilong at bibig ay walang sagabal upang maiwasan ang pagkasakal.
-
Hayaang makalanghap ang sanggol ng sariwang hangin. Dalhin siya sa labas. Maglakad-lakad nang kaunti. Kung malamig, siguradihin na pareho kayong balot ng mga damit.
-
Gusto ng karamihang sanggol ang paggalaw at ingay sa paligid. Ipasyal ang sanggol gamit ang kotse. O gumamit ng vaccum cleaner o dryer ng damit upang marinig ito ng sanggol.
-
Ibaba ang sanggol para magpahinga. Umalis sa kuwarto, ngunit makinig sa labas ng pinto. Kung humina ang iyak, kailangan ng iyong sanggol ng kaunting oras para tumahan.
-
Kung ikinagagalit mo o ikinababagabag ang patuloy na pag-iyak ng sanggol, humingi ng tulong. Hilingin sa iyong asawa, kaibigan, o miyembro ng pamilya na bantayan ang sanggol. Pagkatapos, maglaan ng oras para kalmahin ang iyong sarili. Maaari mong naisin na makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa suporta.
-
Pangalagaan ang iyong sarili para maalagaan mo ang iyong sanggol. Kumain ng masusustansyang pagkain at umidlip kapag tulog ang sanggol.
-
Makipag-ugnayan sa ospital, sa mga bagong grupo ng magulang, o lactation consultant para sa payo.
-
Umiwas sa mga remedyo na homeopathic o halamang gamot tulad ng gripe water (solusyon para sa colic) o mga tableta para sa colic. Hindi ito mga pamantayan at maaaring naglalaman ng nakapipinsalang mga substansya.
-
Hindi mapahihinto ang pag-iyak sa pag-alog sa iyong sanggol at maaari itong magdulot ng malubhang pinsala sa utak o pagkamatay. Huwag kailanman alugin ang iyong sanggol.
-
Tingnan ang diaper ng iyong sangol. Sa mga unang buwan, madalas na dumudumi ang mga sanggol ang kanilang mga diaper.
-
Suriin ang temperatura ng iyong sanggol. Kung minsan, maaaring palatandaan ang labis na pag-iyak na maysakit ang iyong sanggol. Kung ang iyong sanggol ay may temperatura sa puwit na mas mataas sa 100.4, tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol.
-
Kung hindi mo mapatahan ang iyong sanggol, tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol para sa payo.
Online Medical Reviewer:
Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer:
Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer:
Liora C Adler MD
Date Last Reviewed:
11/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.