Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Pangmatagalang Komplikasyon ng Diyabetis

Sa paglipas ng panahon, maaaring magdulot ang diyabetis ng mga komplikasyon sa buong katawan. Mas malamang na mangyari ang mga ito kung madalas na napakataas ang iyong asukal sa dugo. Mangyayari din ang mga ito kung hindi nakokontrol nang mabuti ang iyong diyabetis. Maaaring sirain ng mataas na asukal sa dugo ang mga daluyan ng dugo sa iyong katawan sa paglipas ng panahon. Mahalagang panatilihin ang iyong asukal sa dugo sa iyong target na saklaw. Makakatulong ito na maiwasan o mapabagal ang mga komplikasyon.

Harapang kuha ng katawan ng lalaki na ipinakikita ang utak at nervous system, cardiovascular system, mga baga, at mga bato.

Mga posibleng komplikasyon

Maaaring magdulot ang diyabetis ng:

  • Mga problema sa mata. Kabilang sa mga ito ang mga pinsala sa mga daluyan ng dugo sa mga mata, presyon sa mata, at maulap na lente ng mata. Maaaring humantong sa pagdurugo at pagkabulag ang mga problema sa mata sa paglipas ng panahon. 

  • Mga problema sa ngipin at gilagid. Maaaring maging sanhi ang mga ito ng pananakit, impeksiyon, o pagkalagas ng mga ngipin at pagliit ng buto.

  • Sakit sa daluyan ng dugo. Maaari itong humantong sa mga problema sa sirkulasyon ng dugo, atake sa puso, o stroke. Maaari mong kailanganin ang pagputol ng isang biyas mo dahil sa mahinang pagdaloy ng dugo sa balat.

  • Mga problema sa sekswal na paggana. Kabilang dito ang erectile dysfunction at nasasaktan sa pagtatalik. 

  • Sakit sa kidney. Maaari itong humantong sa pagpalya ng kidney. Maaaring kailanganin mo ang dialysis o pag-transplant ng kidney kung mangyari man ito. 

  • Mga problema sa nerbiyo. Maaaring magdulot ang mga ito ng pananakit o pagkawala ng pakiramdam sa iyong mga paa at iba pang bahagi ng iyong katawan. Maaari itong humantong sa pagputol ng biyas. Maaari ding magdulot ng pagkawala ng pandinig ang pagkasira ng nerbiyo.

  • Mataas na presyon ng dugo. Ang problemang ito ay nagdudulot ng kapaguran sa iyong puso at sa mga daluyan ng dugo.

  • Malulubhang impeksiyon. Maaaring humantong ang mga ito sa pagkawala ng mga daliri sa paa, paa, o biyas.

  • Sakit na matabang atay na hindi dahil sa alak. Pinatataas ang panganib sa malubhang pagdami ng taba sa atay ang pagkakaroon ng type 2 na diyabetis.

  • Mga problema sa kalamnan at buto. Kabilang rito ang carpal tunnel syndrome, naninigas na balikat, mga Dupuytren contracture sa mga daliri, mga bali at osteoporosis.

Paano maiiwasan ang mga komplikasyon

Maaari kang tumulong na maiwasan ang mga malubhang komplikasyong ito sa pamamagitan ng pagkontol sa asukal ng iyong dugo, presyon ng dugo, at kolesterol. Makakatulong ito sa iyo na mas bumuti ang pakiramdam at manatiling malusog. Maaari kang tumulong na makontrol ang diabetis sa pamamagitan ng pagsubaybay sa iyong mga lebel ng asukal sa dugo ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Kumain ng masusustansyang pagkain at mag-ehersisyo upang mapigilan ang pagtaas ng timbang. Itigil ang lahat ng produktong tabako kung naninigarilyo ka. Lubos itong makakapagpabuti ng iyong pangkalahatang kalusugan.

Pumunta sa lahat ng iyong mga appointment sa pangangalagang pangkalusugan. Gawin ang inirerekomendang mga pagsusuri sa kalusugan, gaya ng mga pagsusuri sa dugo at ihi, pag-screen ng presyon ng dugo, pagsusuri sa mata, paa, ngipin, at kalusugan ng buto. At manatiling napapanahon sa inirerekomendang mga bakuna. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ano ang mga bakuna na dapat mayroon ka.

Mahalagang uminom ng gamot ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Sabihin ang anumang masasamang epekto ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga. Sabihin din sa iyong tagapangalaga kung mayroon kang problema sa pagpapanatiling malusog ang mga lebel ng asukal sa dugo.

Online Medical Reviewer: Michael Dansinger MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 8/1/2023
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer