Ang mga salik sa panganib ay mga bagay na mas malamang magdulot sa iyo ng sakit o kundisyon. Alam mo ba ang mga salik na panganib para sa sakit sa puso? Wala kang magagawa sa ilan sa mga salik na panganib. Pero puwede mong kontrolin ang iba. Alamin ang mga maglalagay sa iyo sa panganib na magkasakit sa puso. Alamin kung anong mga pagbabago ang tutulong sa iyo na makontrol ang iyong panganib. At magsimula sa isang pagbabago na sa palagay mo mas magiging madali para sa iyo.
Mga salik na panganib na hindi mo makokontrol
Hindi mo makokontrol ang alinman sa mga panganib na nakalista sa ibaba. Tsekan ang mga angkop sa iyo. Kapag mas marami kang tsinitsekan, mas mataas ang iyong panganib. Magtuon ng pansin sa mga bagay na puwede mong baguhin.
Kasaysayan ng pamilya
___ May ama ka o kapatid na lalaking mas bata sa edad na 55 o ina o kapatid na babae na mas bata sa edad na 65 na nagkaroon na ng sakit sa puso.
Kasarian
___ Ikaw ay lalaki.
Edad
___ Ikaw ay nasa edad 65 o mas matanda.
Lahi o etnikong pinagmulan
___ Ang background mo ay African American, white non-Hispanic, Mexican American, American Indian, katutubong Hawaiian, o Asian American.
Mga salik na panganib na puwede mong kontrolin
Mayroong maraming salik na panganib para sa sakit sa puso na puwede mong kontrolin. Alamin kung ano ang mga salik na panganib na ito. At alamin kung paano mapapababa ang iyong panganib. Tsekan ang mga angkop sa iyo.
Paninigarilyo
___ Naninigarilyo ka ba ng sigarilyo o tabako, gumagamit ng e-cigarette, ngumunguya ng tabako, o sumisinghot ng usok Regular ka bang nahahantad sa usok ng sigarilyo ng iba?
Lebel ng iyong kolesterol
___ Sinabihan ka na ba na ang lebel ng iyong kolesterol o triglyceride ay hindi malusog? Mababa ba ang lebel ng iyong "mabuting" kolesterol (HDL)? Mataas ba ang lebel ng iyong "masamang" kolesterol (LDL)?
Presyon ng iyong dugo
___ Sinabihan ka na ba na ang iyong presyon ng dugo ay mas mataas kaysa sa nararapat sa iyo?
Lebel ng iyong asukal sa dugo
___ Sinabihan ka na ba na ang iyong lebel ng asukal sa dugo ay mas mataas kaysa sa nararapat sa iyo? Ang iyo bang A1C ay 6.5% o mas mataas?
Gaano ka kaaktibo
___ Kadalasan hindi ka ba aktibo sa trabaho at sa tahanan? Lumilipas ba ang mga ilang linggo na wala kang ehersisyo o ginagawang anumang pisikal na gawain?
Ano ang kinakain mo
___ Marami ka bang kinakain na maalat, mataba, prito, o mamantikang mga pagkain? Madalas pulang karne ba ang kinakain mo? Umiinom ka ba ng maraming soda at iba pang matamis na inumin? Madalas ka bang kaumakain nalang sa fast food o inihandang pagkain kapag nasa labas? Kumakain ka ba ng kaunting prutas o walang kinakaing prutas at gulay?
Ang timbang mo
___ Sinabi ba sa iyo ng iyong doktor na sobra na ang timbang mo o labis ang katabaan? Ang sukat ba ng baywang mo ay 35 pulgada o higit pa kung ikaw ay isang babae o 40 pulgada o higit pa kung ikaw ay lalaki?
Nakukunsumong alak
___ Umiinom ka ba ng mahigit sa 1 bote sa isang araw kung ikaw ay isang babae o mahigit sa 2 bote kung ikaw ay isang lalaki?
Lebel ng iyong stress
___ Madalas ka bang nakakaramdam na nababalisa, nininerbyus, o naii-stress? Nararamdaman mo ba na walang sumusuporta sa iyo sa buhay?