Aktibidad at Rehabilitasyong ACL

Babaeing gumagawa ng maikling mabilisang pagtakbo.

Kapag ikaw ay handa na para dito, ang tagapangalaga ng iyong kalusugan ay makakatulong na marahan kang ibalik sa iyong aktibong pamumuhay. Ikaw ay maaaring makagawa ng ilang mga ehersisyo upang makatulong sa iyo na ibalik ang iyong liksi (madali at mabilis na paggalaw). Ikaw ay maaaring mangailangan ng paggamit ng brace sa tuhod tuwing gumagawa ng ilang aktibidad.

Tanungin ang tagapangalaga ng kalusugan kung ikaw ay handa nang gawin ang mga ehersisyong ito. Kung ikaw ay gagawa ng sobra ng labis na maaga, maaari kang makalikha ng mga bagong problema o mapinsala muli ang iyong tuhod.

 Pagdaragdag ng iyong liksi

Ang pagsasanay ng liksi ay makatutulong sa paghahanda ng iyong tuhod para sa paghinto at pagsimula, pagtalon, pagbagsak, at pagbabago ng direksyon. Isaisip na ang iyong binti ay kailangan na may sapat ang lakas upang magawa ang ganitong uri ng pagsasanay bago ka magsimula. Tanungin ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kung gaano katagal ang ehersisyo. At siguraduhing gumawa ng iba ibang uri ng ehersisyo. Ito ay makapagpapalakas sa lahat ng kalamnan sa paligid ng iyong tuhod.

  • Ang patagilid na hakbang, paglukso, at pagkaladkad ay maghahanda sa iyong sa pagbabalik sa sports gaya ng skiing at tennis.

  • Ang maiikling pagtakbo ng pasulong at paurong ay makakatulong na ihanda ka para sa mga stop-and-go na aktibidad katulad ng soccer, basketball o maging ang paghabol sa isang bata.

  • Ang ibang ehersisyo ay makakatulong sa iyo na magsanay para sa mga partikular na aktibidad katulad ng pagtakbo. Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan.

Pagbabalik sa mga paboritong aktibidad

Ang pagpapanatiling malakas at matatag ng iyong tuhod ay isang panghabambuhay na pangako. Maaaring umabot ng hanggang isang taon ng matatag na paggawa upang maibalik ang kabuuang gamit ng iyong tuhod. Ngunit habang ikaw ay bumubuti ang pakiramdam, ikaw ay maaaring magsimulang bumalik sa iyong mga paboritong aktibidad. Siguraduhing maging maingat sa umpisa. Ikaw ay maaaring mangailangang magsuot ng isang leg brace para sa ilang sports. Para sa pinakamainam na resulta, sundin ang iyong pang araw-araw na pag-eehersisyo hanggang sa ikaw ay nananatiling aktibo. At ituloy ang pagsasanay sa pagpapalakas hanggang 3 beses sa isang linggo o ayon sa iniutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan. 

Online Medical Reviewer: Joseph, Thomas N., MD
Online Medical Reviewer: Sather, Rita, RN
Date Last Reviewed: 3/1/2018
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.